Chapter 26 : Tears

633 17 1
                                    

Lately, napapansin ko yung pagiging mainitin ng aking ulo. Hindi ko nakokontrol ang aking sarili dahil laging umiiral ang pagiging maldita ko. Pati nga si Cris, hindi ko pinapalampas. Para ngang bumalik ako sa dating ako.

Ewan. Bata pa naman ako pero parang nasa menopausal stage na ako.

Nung isang araw walang habas kong pinahiya ang isang babae dahil lamang sa lipstick na ginamit niya dahilan para umiyak ito. Buti na lang at kilala ko yung may ari ng shop dahil kung hindi major trending na naman ako nito. Marami na kasi akong follower at nakakakilala sa akin. Sabihin na natin na medyo umaasenso na ako dahil lumalaki na ang aking ulo. Idagdag pa ang pagiging irita ko minsan sa bahay at lalo na sa kumpanya.

Nasa punto na naman ako ng buhay ko kung saan lumalaki na naman ang sungay ko.

Hays.

Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa loob ng kumpanya. Nakakabad vibes na agad ang umiiral sa mga mata ko. Feeling ko nga, anytime pwede ko silang kainin ng buhay. Ewan. Kumukulo ang aking ulo ngayon na para bang wala akong palalampasin ni isa man sa kanila kapag nagsalita ako.

Taas ang aking noo na naglalakad sa pasilyo. Hindi ko binibigyang atensyon ang sinumang bumati sa akin. Sinalubong pa nga ako ni Beki pero hindi ko siya pinansin at tuloy tuloy na pumasok sa loob ng aking opisina.

"Mukhang hindi yata maganda ang gising mo Ms. Lala. " pabiro pa ni Beki.

"Subukan mo pang biruin ako at puputulin ko yang dila mo. " puno ng pagbabanta kong sabi sabay irap ko sa kanya.

"Ay ang taray naman. May red tide?? " segunda pa niya dahilan para uminit ang bunbonan ko.

"Feeling close ka talaga eh. Hindi ka naman siguro tanga o sadyang nagtatangatangahan lang!? " itinaas ko pa lalo ang aking kilay. "Yan ang mahirap eh. Magiging mabait ka tapos sasagarin niyo naman! Akala mo ba hindi ko napapansin yung mga ginagawa mo sa akin!? Wala ka na sa limitations mo Beki. The way you treat me parang kaibigan mo lang ako! Yuck! Never in my entire life na maging kaibigan ang kagaya mo. You are nothing baka nga kuko lang kita. " sabay irap ko sa kanya at muling ibinalik ang aking atensyon sa monitor ng laptop. Ramdam ko naman ang masamang titig sa akin ni Beki na parang kakainin niya ako.

"Kung wala kang magandang sasabihin wag mo kong sasabihin. As a manager ng kumpanya. Pinagbabawalan kitang lumapit sa akin. Let say ibalik natin yung scenario kung paano mo ko nakilala. " saka ngumiti ako ng malapad.

I'm sorry guys. Ito talaga ako. At choice ko na nga siguro ang maging ganito. Ang maging maldita. Ang maging masama. This is me. And all you have to do is to accept me and to understand me.

Ayukong ipakitang mabait ako dahil magmumukha lang akong plastic. Just like what I did dun sa guesting ko. I tried to be calm pero talagang hindi bagay sa akin. But at some point, I felt guilty. Sobra. Pero kailangan kong ipakitang matatag ako.

Gusto kong humingi ng sorry kay Beki pero ayuko. Pag nag sorry kasi ako mas lalo niya lang uulitin ang mga ginagawa niya sa akin. Kailangan ko ng maging mahigpit sa kanila.

"Ano yan!? " sita ko kay Beki na parang may tinatago sa ilalim ng table niya. Akala ba niya hindi ko napansin ang ginawa niyang pagtago ng papel sa ilalim ng table. Tss. 20/20 kaya ang vision ko.

"Wala po Ms. Lala. " sabi ni Beki na ramdam ko sa boses niya ang bigat sa loob ng dibdib niya.

"Wag mo kong gawing tanga. Akin na. " utos ko sa kanya sabay lahad ko ng aking palad. "Ibibigay mo o ibibigay mo!? " pagmamaganda ko.

Nangangatog naman ang kanyang tuhod ng lumapit sa akin.

Good!

Mabilis kong hinablot ang papel sa kamay niya at mabilis ko itong tiningnan. Bigla namang nang-apoy ang aking katawan.

His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon