Lala's POV
Marahil tama nga si Lorraine. Kailangan ko ng sabihin kay Dustin ang tungkol sa kambal. Kailangan ko ng sabihin sa kanya na meron kaming anak. Pero hindi ko magawa sa tuwing magkaharap kami ni Dustin. Wala akong lakas ng loob para sabihin sa kanya ang lahat lalo na at nakikita kong masaya na siya kay Margaret. Idagdag pa ang nalalapit nilang kasal. Habang paunti ng paunti ang mga araw ay ang unti-unti namang pagguho ng aking mundo.
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang lahat. Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyare kapag sinabi ko sa kanya ang tungkol sa kambal.
Kung pwede lang sanang maibalik ang dati. Yung dating kinukulit niya ako at walang katapusang pagsuyo sa akin. Hindi sana ako nahihirapan ngayon.
Hays.
Ilang araw na kong nag stay dito sa resort. Marami ng nagbago sa akin. Hindi na ako nakakapagmaldita at nanakit ng kapwa ko. Natutunan ko kung paano ibaba ang pride at magtimpi sa lahat ng bagay. Thanks din kay God dahil hindi niya ako pinabayaan mula sa umpisa na napunta ako sa lugar na ito.
Tama nga sila, kung sawa ka na sa buhay mo 'Go out to your comfort zone' dahil marami pang magagandang opportunities ang nag-aantay sayo. Just like me! Yun nga lang naging complicated yung pagbabago ko dahil nakita ko ulit si Dustin.
Bahala na. God is good all the time naman diba?? Tiwala lang.
"Ready?? " Lorraine asked me matapos niya akong gisingin ng maaga.
"Kailangan ba talagang kasama ako sa jogging mo?? " walang gana kong tanong sa kanya.
"Of course! What are friends for?? "
"Friends?? " sabi ko pa. Pansin ko ang pag-iba ng kanyang expression into annoying look.
"Don't tell me! Hindi mo ko kinokonsider na friends mo?? Fine! " inis niyang sabi. Naguilt naman ako dahil sa pagkaintindi niya sa punto ko.
"No! What I mean----- Are you sure gusto mo kong maging kaibigan?? " halos hindi makapaniwalang sabi ko. To be honest this is the first time na may gustong maging kaibigan ako. Alam niyo naman diba?? Wala akong true friends dati dahil maldita ako pero ngayon-------
"Anong tanong yan! Yes of course! " sabi pa niya with matching ngiti and to my surprise bigla ko na lang siyang niyakap na parang nanalo ako sa isang palaro. Ewan. Ang lapad ng ngiti ko, kulang na lang umabot hanggang batok yung ngiti ko.
Natutuwa lang ako dahil kaibigan ko na si Lorraine. Kahit na konting araw pa lang kaming magkasama.
"So ano sasama ka na sa akin mag jogging?? " nakataas pa ang kanyang kilay na parang tinatakot ako. "Para naman mabawasan yang belly fat mo. Sige ka papanget ka pag lumobo ka. "
"No! Wala akong belly fat! " halos takot kong sabi sabay hawak ko sa belly ko. Wala naman ah. Flat kaya yung tiyan ko. Bigla naman siyang tumawa ng malutong dahil sa reaction ko. Hehe. Napangiti na lang din ako.
Nag warm-up muna kaming dalawa bago mag jogging. Nakakatuwa naman. Hindi ko nagagawa ito dati dahil nakafocus lang ako sa work. Ang dami ko pa palang hindi nagagawa at sobrang sarap sa pakiramdam.
Habang tumatakbo ako ay wala akong ibang inisip kundi ang marelax. Sobrang ang sarap sa pakiramdam ng simoy ng hangin na sumasabay sa amin sa pagtakbo. Yung wala kang ibang naririnig maliban sa hampas ng alon sa dalampasigan. Ang sarap sa pakiramdam. Sobrang nakakagaan ng bigat ng nararamdaman. Yung simoy ng hangin na kaysarap langhapin. Yung ramdam na ramdam mo ang lugar. Walang usok. Walang ingay at hindi crowded.
BINABASA MO ANG
His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)
Teen FictionNapaglaruan ka na ba sa pag-ibig o mahilig kang maglaro ng damdamin ng iba ?? Ito ang huling bahagi ng kwento ng taong laro lang ang gusto. Hanggang saan sila dadalhin ng tinatawag nilang kapalaran.