Dustin's POV
"D-dustin. " nauutal niyang sabi dahilan para ilayo ko ang phone sa tenga ko.
Hindi ko alam pero kanina ko pa napapansin ang lungkot sa mga mata niya. Ayukong isipin na ako ang dahilan kung bakit ganyan ang expression niya. Alam ko namang wala na akong magagawa dahil ilang beses niya akong pinagtabuyan na layuan siya. At isa pa tanggap ko na rin naman ang nangyare sa aming dalawa.
Sumenyas siya sa akin na aalis na siya kaya tumango lang ako. Ayukong magpakita sa kanya ng kahit anong motibo para manatili sa akin. Ang bigat ng mga hakbang niya palayo sa akin. Hanggat maaari ay ayuko ng mapalapit sayo Lala. Sinasadya kong maging cold sa harap mo pero ang totoo gusto kitang yakapin dahil nakita ulit kita. Pero----- Hindi kita makakalimutan kong hindi ko ilalayo ang sarili ko sayo.
Mabigat ang aking katawan ng maupo ako sa upuan habang patuloy kong naiisip si Lala. Paulit-ulit kong sinisisi ang aking sarili kung bakit kailangan kong magmanhid-manhidan.
***
Napuno ng tawanan at halakhak ang table namin ng biglang maduwal si Lala. Nakitawa din ako sa kanila. Alam ko lasing na lasing na si Lala. Tinitibayan niya lang ang kanyang katawan upang hindi mapahiya sa mga kaibigan ko. And to my surprise bigla na lang siyang nagalit sa akin.
"Ganyan ka na ba talaga Dustin! Wala ka na ba talagang pakialam sa akin!? " naiinis niyang sabi na halata naman sa mukha niya.
"Lala. " tugon ko.
"Ano!? Wala ka bang sasabihin!? " dagdag pa niya dahilan para magpalipat-lipat ang tingin nila sa aming dalawa.
"Lasing ka na okay?? Ihahatid na kita. " sabi ko na lang sabay alalay ko sa kanya pero hindi siya nagpatinag sa akin.
"Bitawan mo ako! Kaya ko ang sarili ko! "
Halos hindi ko na alam kung anong nangyayare sa kanya. Kung bakit siya nagkakaganyan. Hindi ko alam kung ako ba yung dahilan bat siya nagkakaganyan o marahil lasing lang siya.
Wala na akong nagawa ng mag walkout siya sa table namin. Nakasunod ang aking mga mata sa kanya. Alam kong lasing na si Lala at delikado kung mapano siya sa daan. Pero------ Wala akong lakas ng loob para sundan siya. Wala!
"Dude, hindi mo ba susundan yung kaibigan mo?? Chicks pa naman baka kung mapano sa labas. " suhesyon sa akin ng isa sa mga kainuman ko.
Ewan ko ba! Pero bigla akong tumayo at nilisan ang table namin. Halos liparin ko ang pasilyo maabotan ko lang si Lala. Pero pagdating ko sa labas ng bar ay hindi ko na siya nakita pa.
"Lala!? Lala!? Where are you!? " sigaw ko habang walang tigil sa paglalakad. Alam kong hindi pa siya nakakalayo.
Hindi ako tumigil sa paghanap sa kanya at halos lakad takbo na ang ginawa ko hanggang sa napagod ako. 'Siguro nga nakauwi na siya. ' wika ko pa sa aking sarili.
Nahihilo na din kasi ako. Napatingin pa nga ako sa mga bituin na tanging saksi ngayong gabi.
"Umalis ka dito! *hek* Kaya ko pa! *hek* Hehe. "
Napakunot ang aking noo ng may marinig ako.
"Lala!? " sabi ko pa at mabilis na inalalayan siya. Binuhat ko yung ulo niya at inihiga sa bisig ko.
Jesus! Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyareng masama sa kanya.
Hindi na niya kinayang umuwi sa kubo niya instead nahiga na lang dito sa buhanginan. Pambihira!
BINABASA MO ANG
His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)
Novela JuvenilNapaglaruan ka na ba sa pag-ibig o mahilig kang maglaro ng damdamin ng iba ?? Ito ang huling bahagi ng kwento ng taong laro lang ang gusto. Hanggang saan sila dadalhin ng tinatawag nilang kapalaran.