Chapter 1 : 10 Years after

2.1K 50 14
                                    

10 years after.

Sampung taon na ang nakakalipas pero sariwa pa sa aking gunita ang mga nangyare noon.

Sampung taon na ang lumipas pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nagagawang kalimutan. Minsan pa nga naiinis na ako sa aking sarili dahil hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya.

Sampung taon na ang lumipas pero hindi pa rin ako makamoveon.

Hays.

Sa loob ng sampung taon, ay ginawa kung abala ang aking sarili sa mga bagay bagay na alam kung makakatulong sa akin.

Nag-aral ako sa ibang bansa para maging tanyag na isang designer. Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya upang may mapatunayan ako sa aking sarili, na kaya ko ng maging independent.

Si Ate ang laging nandyan para patatagin ako sa lahat ng mga dumarating na mga pagsubok sa buhay ko.

Naging matatag ako at lumaban sa lahat ng hamon na dumating sa akin.

Tama nga sila kahit lumayo tayo sa totoong nangyare sa atin hindi pa rin ganon kadali na ganon kalimutan ang lahat.

I hate the fact, na hanggang ngayon ay patuloy pa rin akong nasasaktan sa ginawang panluluko sa akin ng lalaking minahal ko ng sobra.

Pero pinaglaruan niya lang ako.

Sa loob ng mahabang panahon ay pilit ko pa rin siyang naaalala. Minsan natatanong ko sa aking isipan kung kumusta na siya, kung okay lang ba siya? Kung anong buhay meron siya ngayon.

Ang tanga ko diba!?

Patuloy ko pa ring sinasaktan ang sarili ko dahil sa peklat na iniwan ng lalaking pinaglaruan ang kawawa kung puso.

Sa loob ng mahabang panahon marami ding nanligaw sa akin pero ni isa sa kanila ay wala akong sinagot.

Ipinukos ko ang aking sarili sa pag-aaral at maging mahusay na designer.

Isa na akong ganap na manlilika sa larangan ng fashion clothing line.

Marami pang bagay ang mas mahalaga at hindi lang sa iisang tao umiikot ang mundo natin.

Matuto tayong tumayo sa sarili nating mga paa at gawing sandalan ang mga bagay na dumating sa atin.

Sabi nga nila : Experience is the best teacher.

*** Flashback ***

PAK!!!

Isang malakas na sampal ang pinakawalan ko at kasabay ng pagsampal ko sa kanya ay ang pagbuhos naman ng mga luha ko.

Bakit ako pa!? Bakit ako ang niluko niya !?

Pinaniwala niya ako na totoo ang lahat pero isang laro lang pala ang lahat! Laro na nagpadurog ng aking puso.

His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon