Lala's POV
Hanggang kelan ako makukulong sa pag-ibig ko kay Dustin?? Nahihirapan ako sa tuwing nakikita ko siyang masaya na sa iba. Sinasabi ng utak ko, Ayuko na pero yung puso ko patuloy pa ring sinisigaw at hinahanap si Dustin. Ewan! Natatakot akong sumugal kung ano ba yung dapat kung gawin. Gusto kong mapalapit sa kanya pero ako na mismo ang dumidistansya sa tuwing nagkakalapit kami.
Ayuko ng ganito. Okay naman ako dati nung wala siya. Nagagawa ko namang ngumiting mag-isa. Pero bakit ganon?? Sobra akong affected sa tuwing hindi ko siya nakikita.
Hays.
"Are you sure you okay?? " alalang tanong sa akin ni Cris.
Tumango naman ako bilang sagot. Kanina pa kasi siya sobrang nag-aalala sa akin. Ayuko nga sana siyang isama sa bar na 'to dahil kailangan kung mapag-isa pero mapilit siya kaya sa huli magkasama kami ngayon sa isang bar at kasalukuyang nagpapalipas ng sama ng loob. Ako lang pala.
"Sumama ka na lang kaya sa akin. " napatitig ako sa kanya na para bang sinasabi ko kung anong ibig niya. "I-I mean, bumalik ka na lang kaya sa Paris. Gaya ng dati. Hindi yung ganito. Sa tuwing nakikita kitang nasasaktan, nahihirapan din ako. "
"Cris, hindi ganon kadali ang lahat. Kung pwede nga lang eh. Pero hindi eh. Malaki ang tiwala nila Mommy at Daddy na mapapalago ko pa lalo ang kumpanya. Ayuko silang biguin. "
Tinitigan niya ako bago niya inumin ang kanyang kupita.
"Pero sa nakikita ko. Manhid lang ang hindi makakapansin sayo. Your too much tired! Wag mong gawing kumplikado ang isang bagay na pwede pang solusyunan. " sabi niya sa akin.
"Cris, I'm okay. Alam ko kung ano ang ginagawa ko. " sabi ko sa kanya at kasunod nun ang paglagok ko ng alak.
Sanay na akong uminom pero nakaramdam pa rin ako ng pagguhit sa aking lalamunan ng inumin ko ang laman ng baso.
"No! You're not! Its obvious naman Lala. Hindi ka masaya sa ginagawa mo lalo na at kasama mo ang EX mo na yun! Wag mo namang pahirapan ang sarili mo. " patuloy niyang sermon sa akin.
I know Cris, kumukuha lang ako ng tiyempo kung paano ko mailalayo ang aking sarili mula kay Dustin.
"Cris, pati ba naman ikaw?? Alam mo naman diba?? From the start pa lang, ito talaga ang gusto ko. Hindi ko naman inakala, na muling magkukros ang landas namin ni Dustin. " sabi ko pa sa kanya.
Naninibago din ako sa aking sarili dahil hindi na ako nagmamaldita. Parang---- ang rupok rupok ko. Ang hina hina ko.
"Tigilan mo na siya. Paano na lang kapag nalaman ni Dustin, na nagkaanak kayo?? "
Biglang nanlaki ang mga mata ko kasunod nun ang paglakas ng kabog ng aking dibdib.
Paano nga?? Paano kung malaman ni Dustin na nagkaanak kami??
"Cris, stop! Hindi niya malalaman ang totoo. Ang totoo na nagkaanak kami kaya nga iniwan ko ang kambal sa Paris para----- para hindi na siya maghabol. " sabi ko pa na may halong garalgal ang aking boses.
"What if Lala. Malaman nga ni Dustin ang totoo. Anong gagawin mo?? Paano kung hanapin sila ng mga anak mo?? "
Napatitig ako sa mga mata ni Cris at nabaanag ko ang kalungkutan sa mga mata niya.
"Ewan. " sabay iwas ko ng tingin sa kanya. Lumagok na lamang siya ng kanyang inumin saka ko muling ibinalik ang tingin ko sa kanya.
Alam ko, matagal ng nag-aantay si Cris sa pag-ibig ko. Ayuko namang gustuhin ko siya kahit hindi ko naman siya mahal. Kung pwede lang turuan ang puso baka matagal ko ng minahal si Cris.
BINABASA MO ANG
His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)
Teen FictionNapaglaruan ka na ba sa pag-ibig o mahilig kang maglaro ng damdamin ng iba ?? Ito ang huling bahagi ng kwento ng taong laro lang ang gusto. Hanggang saan sila dadalhin ng tinatawag nilang kapalaran.