Chapter 42 : Pray

862 17 5
                                    

Sobrang sakit. I always asked god kung bakit si Demi pa ang nagka leukemia. Sobrang pinanghihinaan na ako ng loob pero kailangan kung magkunwaring matatag kahit sobrang nahihirapan na ako. Ayukong makita ni Demi na maging ako ay napapagod.

Alam kung malalampasan din namin ito. Kailangan ko lang manalig at magtiwala na gagaling ang aking anak. Napakabata pa niya para danasin ang sakit na ito. Kung pwede nga lang---Sana ako na lang. Sana hindi na siya.

Dinala ako ng aking mga paa sa isang lugar na hindi pamilyar sa akin. Ako yung tipo ng tao na hindi pumupunta sa ganitong lugar. Madalas ko siyang tawagin pero never akong pumunta dito. Ewan. Siguro ganon nga, kapag nasa hindi magandang sitwasyon ang buhay ng isang tao ay saka lang natin siya naaalala. Oo, marami akong kasalanan at hindi ko kinakaila iyon.

Hindi ko nga alam kung pakikinggan ba niya ang aking dasal. Ang kapal ng mukha ko na pumasok at kausapin siya. Dinala ako ng aking mga paa sa kapilya ng hospital. Napadako pa nga ang aking tingin sa isang ginang na nagdadasal may hawak na rosaryo at tahimik na kinakausap ang panginoon.

Hindi talaga natin masasabi ang takbo ng buhay natin.

Huminga ako ng malalim bago tuluyang lumuhod at magdasal. Ipinikit ko ang aking mga mata habang walang tigil ang pagtibok ng aking puso.

"Panginoon, alam kung hindi ko kayo naaalala pero sa pagkakataon na ito ay lumalapit ako sa inyo. Humihingi ako ng awa sa inyo na sana pagalingin niyo si Demi. Bigyan niyo po sana ako ng lakas ng loob para makayanan ang lahat ng ito. Hindi ko po kayang mawala sa akin ang anak ko. Mahal na mahal ko sila. Sila ang nagsisilbing ilaw ko sa dilim. Sila ang kaligayahan ko. "

Napahikbi ako ng iyak na para bang sasabog ang loob ko. Ngayon lang ako nakaiyak ng ganito. Sobrang bigat na para bang gusto kung sumigaw. Kung may paraan lang sana.

Hinayaan ko ng umagos ng umagos ang luha sa aking mga mata. Nagmamakaawa at nagsusumamo na sana dinggin niya ang dasal ko.

Napadako ang aking tingin sa kamay na nasa ibabaw ng balikat ko bago ako tumingin sa kanya.

"C-cris?? " umiiyak ko pang sabi at mabilis na tumayo at agad na niyakap si Cris.

"Everything will be okay Lala. " halos pabulong niyang sabi sa akin.

"Cris kasi----Nahihirapan akong makita si Demi na nasasaktan. " sabi ko pa habang nakayakap pa rin sa katawan ni Cris.

"Tibayan mo ang iyong loob Lala. Wag kang mawalan ng pag-asa. Gagaling ang anak mo. " pagpapalakas-loob niya sa akin. Napahagulhol na lang ako ng iyak dahil sa sinabi ni Cris.

Paano kung hindi!?

"Okay?? "

Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata. The same Cris na nakilala ko noon. Wala pa rin siyang pinagbago. Ang lalaking laging nandiyan sa tabi ko. Ang lalaking paulit-ulit kung nasasaktan.

Tumango ako bilang sagot sa sinabi niya. Iniwas ko din agad ang aking tingin sa kanya. Ramdam ko ang mga titig niya sa akin pero hindi ko iyon pinansin.

Sinamahan niya ako hanggang sa maging okay ako. Hanggang sa maging kalmado ako. Kailangan kung magtiwala sa taas na malalagpasan namin ito. Ayukong sumuko.

"Sige na. Mas makakabuting magpahinga ka muna sa inyo. Ako na muna ang magbabantay kay Demi. " suhesyon ni Cris sa akin pagkabalik namin sa kwarto ni Demi.

"Hindi Cris, kailangan ako ng anak ko. Gusto ko sa tuwing nagigising siya ay nakikita niya ako. Ayukong palagpasin iyon. "

"Lala, ako ng bahala kay Demi. Magpahinga ka na muna. Look at you! Masyado ka ng pagod. Wag mo naman sanang pabayaan ang sarili mo baka mamaya pati ikaw magkasakit. " natahimik ako habang nakatingin sa mga mata ni Cris. Nakipagsabayan ako na para bang hinuhuli namin ang isat-isa pero mukhang seryuso si Cris sa kanyang sinabi kaya sa huli ay sumunod na lang ako sa kanyang nais.

His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon