Chapter 18 : Goodbye Dustin

788 15 4
                                    

Masaya akong tumatakbo sa buhanginan habang hinahabol niya ako. Walang pagsidlan ang aking sayang nadarama. Walang bahid ng lungkot sa aking mga mata. Yung mga tawa niya na siyang pumapawi ng aking kalungkutan. Ang mga titig niya sa akin na siyang nagpapalakas ng tibok ng aking puso.

Sobrang namiss ko talaga siya.

Napatili ako ng maabotan niya ko sa pagtakbo at kasunod nun ang pagbuhat niya sa akin. Nag-uumapaw ang tuwa sa aking dibdib at hinalikan ko siya sa kanyang mga labi. Walang humpay ang tibok ng aking puso. Sinunggaban niya ang aking halik habang buhat buhat niya ako.

Hindi ako makapaniwala na yung lalaking mahal na mahal ko ay kasama ko ngayon.

Pinagmasdan ko ng maigi ang kanyang mga mata.

"Wag mo kung iiwan ha. " sabi ko pa sa kanya.

Ngumiti naman siya ng malapad dahilan para magtalbogan ang aking mga lamang-loob.

"Hindi kita iiwan Lala. Hinding-hindi! " tugon niya sabay halik sa aking mga labi. Pero bigla akong nalungkot na baka isang araw iwan niya ulit ako.

Itinigil niya ang paghalik sa akin ng hindi ako gumanti sa mga halik niya. Puno ng tanong ang mga tingin niya sa akin.

"No! Ikakasal ka na nga pala. " at mabilis na nag-unahan ang aking mga luha.

Yung lalaking mahal na mahal ko ay ikakasal na sa iba. Hindi ko na narinig pa ang kanyang boses dahilan para tumakbo ako palayo sa kanya. Palayo sa kanya.

Walang tigil ang aking pag-iyak at pagtangis ng aking puso. Nasaktan na naman ako.

"Lala! Lala! "

Dahan-dahan akong nagising ng marinig ko ang boses ni Cris.

"Are you okay?? " takang tanong niya sa akin habang nakatingin sa aking mga mata.

Tumango naman ako bilang sagot bago ko iniwas ang tingin ko sa kanya.

Napahugot ako ng malalim na hininga ng mapagtanto kung isang panaginip lang pala ang nakita ko. Si Dustin yung tinutukoy ko sa paniginip. Siya yung lalaking humahabol sa akin. Siya yung lalaking mahal na mahal ko.

All this time, si Dustin pa rin ang laman ng aking puso. I'm too much unfair kay Cris.

Pinagbuksan ako ni Cris ng pinto ng sasakyan at inalalayang bumaba. Habang lumulutang naman ang aking isipan. Wala akong imik dahil hindi ko alam kung paano uumpisahan.

"Kung ano man yang iniisip mo ngayon. Wag mong hayaang dalhin ka ng kalungkutan mo. " sabi pa ni Cris nung naglalakad na kami papasok sa kumpanya.

Hays.

Huminga ako ng malalim bago ako pumasok sa loob. Nginitian ko naman ang mga empleyado na nakakasalubong ko.

"Wag mong isiping nag-iisa ka Lala. Isipin mo na nandito lang ako. Aalalay sayo. " saka siya ngumiti. Napakadown-to-earth at napakapositive mag-isip ni Cris.

Alam ko deep inside ang dami niya ding problema pero binabalewala niya yun ng dahil sa akin.

"Cris! " tawag ko sa kanya ng maghihiwalay na kami ng way. "Thank you. "

Ngumiti naman siya bilang sagot saka siya naglakad patungo sa kabilang department.

Huminga ako ng malalim bago ako pumasok sa loob ng elevator.

Naguguluhan pa rin ako kung tama ba ang gagawin ko. Ang patalsikin si Dustin sa kumpanya. Alam ko masyadong kabastosan ang gagawin ko. Ito na lang kasi ang natitirang option na pwede kung gawin ngayon.

His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon