Chapter 31 : He Changed

681 20 2
                                    

Napahawak ako sa aking noo at kasunod nun ang pananakit pa lalo ng aking utak. Ugh! Napapikit pa ako dahil sa sobrang sakit nito. Pakiramdam ko pa nga ay dinuduyan ako sa ere. Pakiramdam ko lumulutang ang aking isipan. Nahihilo ako.

Muli kong ipinikit ang aking mga mata at pilit na binabalikan ang mga nangyare kagabi! Pilit kong inaalala ang lahat.

Sheet! Bigla akong napabangon mula sa pagkakahiga ko ng maalala kong kasama ko pala si Dustin kagabi sa isang bar. Pero hindi klarado ang lahat basta ang natatandaan ko ay iniwan ko sila sa loob at umuwi na ako.

T-teka??

Halos mapabangon ako sa aking pagkakahiga at idinilat ang aking mga mata. Inikot ko ang aking tingin sa apat na kwadradong lugar na ito.

Huh?? P-papano?? Naguguluhan ako. Nasaan ako?? San ako nakitulog??

Sheet! Mabilis kong binalikwas ang kumot na nakabalot sa katawan ko. Jesus! Sinong nagpalit ng damit ko?? Parang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko. Ang daming tanong na gumulo sa aking pagkatao. Kasunod nun ang paglakas pa lalo ng aking kaba. Hindi ko na kaya baka pinagsamantalahan niya ang kahinaan ko. Hindi!

Dahan dahan akong tumayo at naglakad. Kinuha ko pa yung walis tambo sa gilid ng pinto at marahang naglakad. Kung sino man ang gumawa nito sa akin! Humanda siya.

Gigil na gigil ang aking sarili habang marahang humahakbang palabas ng kwarto. Marahan ko ding binuksan ang pinto upang hindi pagmulan ng anumang ingay sa loob. May kalakihan ang bahay na ito kumpara sa room na tinutuluyan ko.

Napahinto ako sa paghakbang ng may narinig akong boses mula sa di kalayuan. Para pa akong warrior sa hawak kong tambo na ipanghahampas ko sa sinumang nagdala sa akin dito. Mula sa pwesto ko ay sapat upang marinig ko ang boses ng lalake.

Lalake?? Sabi ko na nga ba!? Pinagsamantalahan niya ako! Umusok ang aking ilong at inihanda ang aking sarili para sa gagawing digmaan.

"Don't worry babe! I'm okay. Yes! Always babe! " para akong naistatwa ng marinig ko ang pamilyar na tawa na iyon.

Sobrang saya niya. Sobra.

Napalunok pa ako ng dalawang beses at kasunod nun ang pagsikip ng aking dibdib na para bang sasabog ito.

"I know. I know. I cant wait to see you babe. Thanks anyway. " narinig ko pang sabi niya. I know kilala ko ang nasa likod ng boses na iyon kaya naman dahan dahan akong sumilip para masigurado ko na siya nga iyon.

Nanlambot ako ng makita kong siya nga. Si Dustin. Wearing smile on his face. Ang aliwalas ng mukha niya hindi katulad ng dati na ang lungkot ng mukha.

Napasandal ako sa wall at kasabay nun ang pagsikip ng aking dibdib. Hindi ako makahinga. Kagabi ko pa napapansin ang maaliwalas niyang awra. Yung pagbalewala niya sa akin. Yung mga tingin niya kagabi. Alam kong ibang-iba! Iba!

"Lala! "

Napaigtad ako sa gulat ng biglang sumulpot si Dustin sa harapan ko. Muntik ko pa siyang mahampas ng tambo dahil sa gulat at buti na lang nakapagpigil ako.

"S-sorry. " nauutal ko pang sabi habang nakatitig sa kanya.

"Are you okay?? " kalmado niya pang sabi na para bang may pakialam sa akin.

Tumango naman ako bilang sagot bago ko iniwas ang aking tingin sa kanya. Nahihiya ako sa ginawa ko kagabi.

"Good. You want coffee?? Ipagtitimpla kita. " offer niya sa akin at mabilis na tinalikuran ako.

Ganon ganon na lang ba ako sa kanya?? Parang sinaksak yung puso ko sa ginawa niyang pagtalikod sa akin.

"D-dustin. " nauutal ko pang sabi at huminto naman siya sa paglakad at tumingin sa akin. "Thank you nga pala sa pag----- Ah---- Yung kagabi----- K-kasi----- "

His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon