Chapter 12.1 : Accidentally Date

914 24 7
                                    

Patuloy akong binabagabag ng aking magulong isipan. Nalilito ako at hindi maipaliwanag kung ano ba itong nangyayare sa akin. Naguguluhan ako.

Hays.

Humugot ako ng isang malalim na hininga bago ko itinuon ang aking tingin kay Cris na kaharap ko ngayon. Niyaya niya kasi akong kumain sa labas. Hindi ko naman magawang tumanggi sa kanya dahil naaalala ko yung ginawa niya kay Dustin. Gusto kong magtanong sa kanya pero hindi ko alam kung paano ko uumpisahan.

"Try this one. One of the famous appetizer on earth. " alok niya sa akin sabay lagay niya ng appetizer sa plate ko.

"Thanks. " maikling tugon ko saka kinalikot pa ito. Kahit hindi ako tumingin sa kanya alam ko nakatingin siya sa akin at binabasa ang takbo ng aking isipan.

"Okay ka lang ba?? " hindi maiwasang tanong niya sa akin. Ibinaba ko naman ang hawak kong tinidor saka deretsong tumingin sa kanya.

"Cris yung tungkol sa nangyare kahapon. Dapat hindi mo na ginawa yun. I-i mean----- dapat hindi ka na nakialam. " naiilang kong sabi sa kanya.

Mabigat ang mga kamay niya ng bitawan ang hawak niyang tinidor.

"I'm sorry Lala. I just want to protect you. Ayukong may mangyareng masama sayo. " seryusong sabi niya habang nakatingin sa akin.

"Yes Cris. I know that. And thanks for a being a good friend to me. "

Alam ko, kahit hindi sabihin ni Cris. Alam kong nasasaktan ko siya sa sinasabi ko.

"Alam ko naman yung limitations ko. Sana lang you must know your limitations too. Ayuko lang makitang masaktan ka ulit. "

Hinawakan ko ang kamay ni Cris na nasa ibabaw ng mesa.

"Dont worry Cris. Hindi na mangyayare yun. " sabi ko pa.

Mahirap naman talagang masaktan kaya sinisiguro kong hindi na mangyayare yun.

Pinagpatuloy namin ang kwentohan. Mga plano tungkol sa kumpanya. Nabanggit din ni Cris na gusto niyang magtrabaho sa kumpanya. Hindi naman ako makasagot dahil baka malaking gulo lang ang mangyare kapag pinasok ko pa si Cris sa kumpanya. Bahala na.

Napukaw ang atensyon ko sa agaw atensyong mag-couple na papasok pa lang ng resto. Nakalingkis ang mga kamay ng babae sa kanyang kasintahan na para bang mawawala ito.

Tss!

Ewan. Bigla akong nakaramdam ng kawalan ng gana ng makita ko sila dahilan para lumingon din si Cris kung saan ako nakatingin.

Nakaguhit naman sa mga labi ni Margaret ang nakakalukong ngiti niya habang naglalakad patungo sa direksyon namin.

"Anong ginagawa nila dito!? " tanong ng aking isipan.

Halos hindi ako makakurap dahil naiinis ako sa aking nakikita. Si Dustin naman ay derestong nakatingin sa akin. Idagdag pa ang nakakaasar na pagmumukha ni Margaret.

"I can't imagine na dito pa talaga tayo magkikita. " puno ng pang-aasar na tugon ni Margaret habang nakaguhit sa kanyang mga labi ang isang nakakalukong ngiti.

Ngumiti naman ako ng malapad.

"Hindi ko alam na mahilig ka pa lang kumain sa mga seafood resto. " pang-iinis ko sa kanya sabay taas ng aking kilay.

"I love seafood. " masayang tugon niya kaya mas lalong lumapad ang aking ngiti.

"Halata nga. " sabay iwas ko ng tingin kay Margaret. "Dustin how are you?? Mukhang hindi ka nakatulog ng maayos. Come let sit and join us. " kalmadong tugon ko.

His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon