Chapter 4 : Wanted : Secretary

1K 28 3
                                    

Naging okay naman ang company tour ko. Madami akong napuna na mga hindi dapat ginagawa ng mga empleyado sa kumpanya tulad ng pakikipagtsismisan habang nagtatrabaho. Loitering o yung pagala-gala sa kong saan man.

Lahat ng mga yan ay babaguhin ko sa oras na maupo ako sa trono. Wala na talagang makakapigil sa akin.

Actually nakagawa na ako ng sarili kong rules and regulations na kailangan kong i-implement sa lahat.

My rule is my rule!

***

Tatlong araw na akong on-the-job training sa kumpanya. At bukas uupo na ang pinakamagandang nilalang sa kanyang kaharian. Haha. Makikita nila. Buti na lang talaga at aalis na si Mommy at pupunta na ng China para sa iba pa naming mga negosyo.

Confident naman ako na makakaya ko ang lahat. Para saan pa at nag-aral at nagpakadalubhasa ako sa Paris kong hindi ko man lang magagamit diba ??

Syempre sa OJT ko bait-baitan ang Lola niyo. Pakitang tao kumbaga. Pero hindi nila alam may sungay at buntot akong tinatago.

Hinabaan ko talaga ang pasensya ko para maobserbahan ang mga empleyado ng kumpanya lalong-lalo na sa loob ng production.

Ewan ko ba kay Mommy at hindi niya nakita ang maling ginagawa ng mga empleyado doon.

Hays.

Kailangan kong linisin lahat ng nagkalat na nilalang sa aking paningin. Ayuko ng basura!

First in my list, find a new secretary. Kung hinahanap niyo ang baklitang lapastangan na yun. WALA NA SIYA! Pinabalik ko na siya sa dapat niyang kalagyan.

Buti nga sa kanya.

Napairap na lang ako sa kawalan. Ayuko ng maalala ang nilalang na yun. Magkakapimples lang ang magandang mukha ko. TSS!

"Next! " tawag ko.

Nasa office ako ngayon at kasalukuyang nag-iinterview ng mga gustong maging secretary ng isang maldita na gaya ko.

Pumasok naman sa loob ang isang nerd na babae. Ayuko siyang i-describe! Ang panget masyado.

"Take your seat. " walang gana kong sabi sabay tingin sa hawak kong resume.

"Saan po Ma'am ?? "

Napataas na lang ako ng kilay at inis na tumingin sa kanya.

"Try mong maupo sa table. " iritang sabi ko.

"I'm sorry po. " magalang na tugon niya.

TSS!

Tiningnan ko siya ng deretso with matching tiger look pa ang Lola niyo. Kung nakakasaksak lang ang titig ko malamang kanina pa sumalangit ang nerd na 'to!

"So, you're applying as a secretary ?? " I asked.

"Yes. And marami na po akong experience Ma'am. Dati po akong secre--------" confident niyang sabi pero hindi ko siya pinatapos.

"I'm sorry but I'm not interested to listen your story. " mataray kong sabi.

His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon