Minsan kahit sobrang talino mo mas pipiliin mong maging bobo para sa isang tao.
Minsan kahit sobrang sakit na mas pipiliin mong maging manhid dahil umaasa ka na maging maayos ang lahat, na pwede pang mangyare ulit ang dati.
Hindi ko na siguro iisipin pa kung may masasaktan ako sa aking gagawin. Bahala na.
Nakatingin ako sa pagkaing nasa ibabaw ng mesa. Talagang nagpahanda ako para sa breakfast na ito.
Pinagmasdan ko ng maigi ang mga pagkaing nasa ibabaw ng mesa. Sobrang sarap nito. Hindi na ako magtataka kung bakit sobrang special at importante ng almusal.
Nakakagaan pa ng pakiramdam dahil ramdam na ramdam ko ang simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko. Kahit sino sigurong turista ay mapapansin ang ganda ng lugar. Tahimik na dalampasigan, magandang tanawin. Malayong-malayo sa totoong mundo. This is what we called 'Paraiso.'
Ang daming taong naghahangad na tumira sa ganitong lugar. Tahimik daw kasi. Walang gulo, pollution, kremin at kung ano pa.
Paano ko ba maaapreciate ang lahat ng ito kung kaharap ko mismo ang lalaking hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa.
"Kanina mo pa pinagmamasdan ang mga yan!? Parang nais mong i-double murder pa ang isdang yan. " pabirong sabi niya. Napangiti naman ako ng pilit dahil sa kalmadong boses niya.
Ang bait bait ng kanyang boses at hindi ko man lang makitaan ng pagiging seryuso. Napakurap pa nga ako dahil kanina pa pala siya nakamasid sa akin.
"Pasensya na. " paghinge ko ng despensa tapos nginitian niya lang ako dahilan para makaramdam ako ng pag-init ng aking mukha.
Geez! Iniwas ko ang aking tingin sa kanya. Kilala ako ni Dustin. Alam niya kung bat ako namumula. Sana lang wag niyang mapansin.
"You know what, this is the first time na nag breakfast ako na maraming solid food. Especially seafood. Thanks by the way sa pag invite mo. " kwento niya pa habang ngumunguya ng pagkain.
"Bakit di ka kumakain ng agahan?? I can't imagine na ang isang Dustin Gohil ay hindi pala nagbbreakfast. " sabi ko na may halong pang-aasar.
Wierd. Ang gaan ng atmosphere ko ngayon. Parang nakikisama sa panahon.
Mas lalong lumakas ang tibok ng aking puso ng marinig ko ang mahihinang tawa niya. Sobrang gaan sa pakiramdam ng muli kong marinig iyon kaya hindi ko maiwasan ang mapangiti.
"Seriously, hindi talaga. Mostly coffee lang, okay na ako dun. "
"Pero mas maganda pa rin kung may laman yung tiyan mo. Kailangan mo ng energy for the whole day. Alam mo na, mahirap pabayaan ang sarili. " suhesyon ko pa.
"Oo naman. Pero I know may mag-aalaga naman sa akin kapag nagkasakit ako. " sabi pa niya na siyang ikinatigil ko.
"Si Margaret?? " parang may tinik na bumara sa aking lalamunan ng banggitin ko ang pangalang yun. At mas lalo akong nanlambot na ewan ng tumango siya ng may ngiti sa kanyang mga labi.
"Mahal na ba niya talaga si Margaret?? " ang tanong ko sa aking isipan.
"Of course. Alam kung hindi ako pababayaan ni Margaret. "
Tumango-tango na lang ako na parang interested ako sa sinabi niya. Nasira ang almusal ko. Parang gusto ko ng magwalk-out at iwanan na lang siyang mag-isa.
Pinilit kong nguyain ang pagkain na nasa bibig ko kahit pakiramdam ko ang daming tinik ng nginunguya ko dahil sobrang bigat ng aking kalooban. Masaya na siya para saan pa ba ako?? Wala na diba??
BINABASA MO ANG
His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)
Teen FictionNapaglaruan ka na ba sa pag-ibig o mahilig kang maglaro ng damdamin ng iba ?? Ito ang huling bahagi ng kwento ng taong laro lang ang gusto. Hanggang saan sila dadalhin ng tinatawag nilang kapalaran.