Minsan sa buhay ay nakakagawa din tayo ng pagkakamali. Maraming pagkukulang na ang hirap punan. Life is not perfect sabi nga nila diba?? Pero---- Sa bawat pagkakamali natututo tayong itama ang mga ito.
Hays.
Kaysarap sa pakiramdam pagmasdan ang lalim ng gabi. It's already 9 o'clock in the evening at hanggang ngayon gising pa ang Lola niyo. Marami lang akong naiisip ngayon. Mga bagay na sobrang konektado sa buhay namin ng mga anak ko.
Muni-muni yata ang tawag sa ginagawa ko. Nakatingin ako sa mga bituin na para bang kinakausap ko ito. Humihiling na sana balang araw maging okay ang lahat. Lumalaki na ang mga anak ko at nag-uumpisa na silang magtanong tungkol sa Daddy nila. Mabilis ko namang iniiwas ang usapan pag ganon ang tinatanong nila. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang isasagot sa tanong nila.
Alam ko, karapatan ng mga anak ko na malaman kung sino ang Daddy nila. Hindi ko pwedeng itago ito sa matagal na panahon. Darating ang araw na malalaman nila ang lahat. Ayukong dumating ang araw na yun.
"Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah. " sabi pa ni Ate Lovely saka iniabot sa akin ang can beer na kinuha niya sa loob.
Kinuha ko naman ito at sumulyap kay Ate.
"May iniisip lang ako Ate. " tugon ko.
"Mukhang ang lalim nga. Come on pwede nating pag-usapan yan. " sabi pa ni Ate.
Huminga ako ng malalim bago ko buksan ang can beer na hawak ko.
"Wag na. " pag-iwas ko sabay lagok ng aking inumin.
Hindi na rin nagpumilit pa si Ate Lovely. Tahimik na lang din niyang ininom yung can beer niya.
"Ate, nag-uumpisa na silang magtanong tungkol sa Daddy nila. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Sasabihin ko ba sa kanila ang totoo?? " tanong ko matapos ang mahabang katahimikan.
"Alam mo Lala, nasa tamang edad ka na para isipin kung ano ang makakabuti. Gawin mo kung ano sa tingin mo yung nararapat. We have our own reason kung bakit kinailangan nating gawin ang isang bagay. "
"Natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyare. Paano kung dumating ang araw na malaman ni Dustin na may anak kami. Paano ko ipapaliwanag sa mga anak ko ang lahat lahat. " ang naguguluhang sabi ko.
Ayukong dumating sa punto na kamuhian ako ng aking mga anak kapag itinago ko ang tunay na katauhan ng kanilang Daddy. Lumalaki na ang kambal at nagkakaroon na ng malawak na pag-iisip.
Hanggang ngayon kasi nakabinbin pa rin ang mga tanong nila sa akin na ayukong sagutin. Ayuko. Sobra akong natatakot.
"Hindi mo malalaman ang sagot kung hindi mo susubukan. Matatalino ang mga anak mo. I'm sure they will understand kung ano man ang ginawa mo at gagawin pa lang. " pagpapalakas ng loob ni Ate sa akin. Napahugot naman ako ng isang malalim na buntong-hininga.
"Hays. What if bumalik na lang kaya kami ng Paris. " tanging paraan na naisip ko sa ngayon. Hanggat maaari ito lang ang naisip ko.
Muli namang napalagok ng beer can si Ate bago siya muling magsalita.
"Tingin mo sa paglayo mo. Mailalayo mo ba ang lahat sa katotohanan?? Hindi Lala. Ayuko mang makialam sa desisyon mo pero kung ako ang nasa sitwasyon mo. Sasabihin ko na sa mga bata kung sino ang Daddy nila. " sabi pa ni Ate Lovely dahilan para mapatitig ako sa kanya.
"Sigurado ka?! Hindi naman pwede yun. Masaya naman ang mga bata kahit walang Daddy. " depensa ko habang nakataas ang aking kilay.
Ewan. Ayuko talagang ipaalam sa mga anak ko kung sino ang Daddy nila. Alam ko, karapatan din nila na malaman ang totoo pero may karapatan din ako kung ano ang mas makakabuti para sa dalawa.
BINABASA MO ANG
His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)
Novela JuvenilNapaglaruan ka na ba sa pag-ibig o mahilig kang maglaro ng damdamin ng iba ?? Ito ang huling bahagi ng kwento ng taong laro lang ang gusto. Hanggang saan sila dadalhin ng tinatawag nilang kapalaran.