•Dustin's POV•
Hindi ko alam kung anong nangyayare sa akin. Gustong-gusto ko silang makasama. Gusto kong mabuo ang pamilya ko pero hindi pwede. Nahihirapan ako lalo na at alam kong nasa malubhang kalagayan ang kondisyon ng isang anak ko.
Gusto kong bumawi pero panahon yung pumipigil sa akin.
***
Isang tawag ang pumukaw sa aking atensyon. It was my Dad.
"Yes Dad?? " tanong ko sa kabilang linya.
"Dustin! Ano 'tong nabalitaan ko na nagkaroon ka ng anak sa iba?! Alam mo ba ang pinasok mo!? What if malaman yan ng pamilya ni Margaret!? Huh!? Ilulubog mo talaga ang buhay natin! Hindi ka nag-iisip! " galit niyang sermon sa akin.
"Dad please! Ayuko ng ituloy ang kasal! "
"Damn! Dustin! Nag-usap na tayo diba? You are the last one na pwedeng sumalba sa pamilya or else babagsak ang lahat ng kumpanya na meron tayo. Gusto mo ba yun!? Wag kang makasarili! "
Hindi ko alam pero natahimik ako. Pag dating kay Daddy wala akong magawa. Siya pa rin ang nasusunod at ayukong baliwalain iyon.
"Sa ayaw at sa gusto mo matutuloy pa rin ang kasal ninyo ni Margaret! Gawan mo yan ng paraan! "
***
Ano ba ang pwede kong gawin ngayon lalo na at nakita at nalaman ko ang totoong kalagayan ni Demi. Kailangan niya ako.
Sobrang bigat sa dibdib dahil kailangan kong pumili. Isang desisyon ang kailangan kong gawin.
Kanina, nung kausap ko si Lala at nagmakaawa sa akin na maging donor ako kaya lang tumanggi ako instead nag offer ako ng finacial na hindi naman niya tinanggap. Wala akong kwenta! Inutil! Wala akong puso.
Kung alam lang niya na nahihirapan din ako. Sobra!
Muli akong lumagok ng alak sa aking baso. Hindi ko na alam kung tama pa ba ang ginagawa ko!
Sana ako na lang ang may leukemia. Wag na lang sana si Demi.
Namatay si Mommy dahil sa leukemia nung bata pa ako. Its a serious condition na sobrang mahirap labanan. Alam ko, kung anong tumatakbo sa isip ng mga anak ko.
Nabaling ang aking tingin sa pinto at iniluwa nun si Margaret. Matatamis ang kanyang mga ngiti na lumapit sa akin saka ako hinalikan sa aking labi pero hindi ako gumanti dahilan para mapatitig siya sa akin.
"What's wrong! May sakit ka ba?? " alalang sabi niya sabay dampi ng palad niya sa leeg ko. "Okay ka lang ba?? "
"Yah. I'm Okay. " mahina kong sabi sabay inom ko ng alak sa baso pero pinigilan niya ako.
"You look not okay. " sabi pa niya. Tiningnan niya ako ng malalim sabay ngiti niya. "You know what, excited na kong makasal sayo. Finally, magiging akin ka na. "
Magiging iyo ako pero hindi ang puso ko.
"Paano mo natitiis ang lahat Margaret? "
"What!? Ano bang sinasabi mo. " sabi pa niya saka niligpit ang basong hawak ko.
"You knew to yourself na hindi kita mahal. " natahimik naman siya habang nakatingin sa akin. "Bakit kailangan mong ipilit ang isang bagay na hindi naman para sayo? "
"I know someday matototonan mo din akong mahalin. I'm willing to wait Dustin. " tugon niya. "And I'm sorry. For being rude and selfish. Mahal kita eh. Mahal na mahal kita. " naging emosyonal na ang kanyang boses. "Simula ng bata pa lang tayo, minahal na kita. I am the one who's says to my Mom na gusto kong makasal sayo kaya pinagkasundo ka nila sa akin. "
BINABASA MO ANG
His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)
Novela JuvenilNapaglaruan ka na ba sa pag-ibig o mahilig kang maglaro ng damdamin ng iba ?? Ito ang huling bahagi ng kwento ng taong laro lang ang gusto. Hanggang saan sila dadalhin ng tinatawag nilang kapalaran.