Halos walang tigil ang aking kaba ng tumaas pa lalo ang lagnat ni Dustin. Hindi ko na nga alam kung anong gagawin ko. Halos oras oras chenicheck ko ang temperature niya. Ayukong may mangyareng masama sa kanya lalo na at ako ang kasama niya ngayon.
Naalala ko tuloy yung kambal. Hindi rin ako makatulog kapag may sakit sila lalo na at nakikita mong nahihirapan. Halos hindi ko alam kung anong gagawin ko para lang malunasan ang kanilang karamdaman. Nariyan yung tatanongin mo sila kung ano ang gusto. Paulit-ulit na tanong hanggang sa maibigay ko ang kanilang gusto.
Ang hirap maging ina lalo na at wala kang ibang mapagkukunan ng lakas kung hindi ang pamilya mo.
Dahan dahan akong bumangon upang hindi ko siya magising. Nagpasya kasi akong sa loob ng kwarto siya matulog. Ayukong namamaluktot siya sa lamig at inaapoy ng lagnat. Concern lang ako sa sitwasyon ni Dustin. Nagpasya ako kagabi na sa sofa na lang matulog pero hindi ako nakatiis kaya pumasok ulit ako sa loob at sinamahan ko siya hanggang sa makatulog.
Hinayaan ko na lamang siyang hawakan niya ang aking kamay.
Hays.
Inilapat ko ang aking kamay sa noo niya upang malaman ko kung mataas pa rin ba ang lagnat niya. And thanks god kahit paano bumaba na ang lagnat niya.
Sinamantala ko naman ang pagkakataon upang pagmasdan si Dustin. Ang himbing ng tulog niya kaya malaya kong natititigan ang gwapo niyang mukha. Para naman akong tanga na napangiti.
Weird.
"Ang gwapo mo pa rin Dustin. " ang wika ng aking isipan habang nakatingin sa kanya.
Inilibot ko ang aking paningin sa buong silid. Its five o'clock in the morning at ito yung araw na hindi ko na siya makikita. Ito yung huling araw na makakasama ko siya.
I'm sorry Dustin kung matigas pa rin ako. Hiling ko na maging masaya ka sa future mo.
Dahan dahan akong lumabas ng kwarto at tumungo sa may kusina. Bigla namang nalungkot ang aking puso dahil sa sobrang tahimik sa loob. Parang nakikita ko pa si Dustin na tumatawa at nakikipagkwentohan sa akin. Gusto ko mang wag isipin pero wala akong magawa. Naaalala ko pa rin.
Agad akong nagpalit ng tubig sa may planggana. Pupunasan ko lang si Dustin para tuluyan ng bumaba ang lagnat niya. Hindi ko naman dapat ginagawa ito pero heto ako kahit sa huling pagkakataon inaalagaan ko pa rin siya.
Why?? Bakit?? Dahil ba siya lang ang kaisa-isahang lalake na sobra kong minahal?? O dahil maraming bagay ang hindi ko makakalimutan sa kanya??
Hays. Tahimik na lamang akong bumalik sa loob ng kwarto. Mahimbing pa rin ang tulog niya at namumula ang balat niya. Huminga ako ng malalim bago ko siya punasan. Ewan. Hindi maiwasang lumakas ang pintig ng aking puso habang pinupunasan ko siya. Dumilat pa nga siya at naramdaman ko ang pamumula ng aking mukha.
Geez. Nakakahiya.
Marahil tuwang-tuwa na naman si Dustin. Buti na lang at pumikit uli siya kaya malaya kong napagnanasahan ang katawan niya este hindi. Ano ba itong pinag-iisip ko.
Yung tibok ng aking puso alam kong patunay ito na mahal ko pa rin siya. Sa kanya ko lang ito nararamdaman at sa kanya lang nagkakaganito ang aking puso. Sobrang lakas ng tibok nito lalo na pag nagkakalapit kami.
Ano bang meron sayo Dustin at sobrang mahal na mahal kita. For 10 years ikaw lang ang laging hinahanap ng aking puso. Naguguluhan ako kung anong gagawin ko lalo na kapag naaalala ko yung mga panloloko mo sa akin. Hindi pa rin mawala sa isipan ko yung mga ginawa mo sa akin.
Gusto kitang mahalin ulit pero mas gusto kong saktan kita. Kaya kahit kailan hinding-hindi mo makikita ang mga anak mo.
Iniwas ko ang aking tingin sa kanya dahil sa poot na meron sa aking dibdib. Ganitong-ganito din yung nangyare sa amin.
BINABASA MO ANG
His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)
Roman pour AdolescentsNapaglaruan ka na ba sa pag-ibig o mahilig kang maglaro ng damdamin ng iba ?? Ito ang huling bahagi ng kwento ng taong laro lang ang gusto. Hanggang saan sila dadalhin ng tinatawag nilang kapalaran.