Chapter 8 : Is this what you called 'dinner?'

871 26 1
                                    

Kanina pa ako nakatitig sa invitation na iniwan ni Dustin sa office kanina. Ilang oras na ang lumipas pero hindi pa rin ako makapagdecide kung anong gagawin ko. Kung pupunta ba ako o hindi.

"Naging successful yung bagong ads ng kumpanya sa tulong na din ni Sir Dustin. "

Bigla ko tuloy naalala yung sinabi ni Beki kanina. Masyado ba akong mahigpit?? Masyado ba akong malupit kay Dustin. Masyado ba akong OA dahil hindi ko binibigay kay Dustin yung treatment na dapat kung ibigay ??

Hays.

Fine! Okay fine!

Wala na akong nagawa kung hindi sundin ang aking konsensya. Inumpisahan kung ayusin ang aking mukha. Naglagay ng kung ano-anong kolorete na dapat ilagay sa mukha ng isang magandang kagaya ko.

Teka!? Kailangan ko ba talagang magpaganda?? Baka kung anong isipin ni Dustin!?

TSS! Hindi naman siya ang dahilan kung bakit ako nag-aayos ng sobra. Gusto ko lang naman magmukhang presentable sa harapan niya. Remember ako lang naman ang manager ng kumpanya. So what's wrong with that!?

Hays. Masyado ko lang nililikot ang aking imahinasyon.

Pinagmasdan ko ng maigi ang aking kabuuan sa harap ng malaking salamin. Nag pose pa nga ako sa bawat anggulo. I want to make sure na kahali-halina ang aking ayos.

Mabilis akong lumulan sa aking sasakyan na nakapark sa parking area ng condominium. Habang nagmamaneho ako ay saka namang nag-uumpisahang magtalbugan ang aking puso.

"Calm down! Lala. " wika ko sa aking isipan.

Ewan. Masyado lang siguro akong hindi kumportable sa aking gagawin. Tama bang makipag-usap ako sa lalaking minsan ng sumira sa aking buhay!? Tama ba!? Tama ba na maging mabait ulit ako sa kanya!?

Napapikit na lang ako at sinabi sa aking sarili na hindi ko ito ginagawa para sa aking sarili o kung ano pang namagitan sa amin noon kundi, ginagawa ko ito dahil kabusiness-partner ko siya.

Tama! Yan ang isang bagay na iisipin ko sa oras na magkausap kami.

Napadako ang aking tingin sa aking kamay para tingnan kung anong oras na. Its already 6:00 in the evening. May isang oras pa ako para sumipot sa dinner namin ni Dustin.

Habang nakatigil ang aking sasakyan sa gitna ng highway dahil sa traffic at idagdag pa ang pabugso-bugsong pag-ulan ay hindi ko maiwasang obserbahan ang mga taong nagkukumahog na makasakay ng bus pauwi sa kanilang mga tirahan.

Halos basa at nakikipagsiksikan na makasakay lang. Yung iba pa nga sa aking nakita ay hindi na inalintana ang ulan makasakay lang.

For god sake! Wala pa rin talagang pinagbago ang bansa. Kung ano ito ng iniwan ko 10 years ago ay mas lalo pang lumala ang kalagayan ng bansa. What more sa mga susunod pang mga taon.

Hays.

Napairap na lang ako. Ano bang pakialam ko sa kanila! Hindi ko naman siguro kasalanan kung mabasa sila ng ulan o di kaya makipag-unahan para lang makasakay.

Hays.

Napapailing na lang ako saka ako muling nag drive patungo sa aking destinasyon.

Ilang minuto ang lumipas at narating ko na din ang aking pakay. Nanatili muna ako sa loob ng sasakyan at tinatanong ng paulit-ulit ang aking sarili. Kung tama ba ang gagawin ko!

His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon