Chapter 23 : The Suitor

770 18 1
                                    

Cris POV

Naranasan niyo na bang umibig mag-isa?? Yung ikaw lang ang umaasa na balang araw makita ng taong mahal mo ang value mo. Yung mahal mo pero hindi ka kayang mahalin.

Ewan ko ba naman kasi kung bakit pinagsisiksikan ko ang aking sarili sa kanya. Mahal na mahal ko si Lala simula ng unang kita ko sa kanya. Maybe love at first sight. She's beautiful kahit na maldita. Akala ko nga dati hindi kami magkakasundo dahil sa mga bagay na hindi kami magkasundo. Marami siyang insecurities sa katawan na kukunting tao lang ang makakaintindi sa kanya.

Natatandaan ko pang nakipag-away siya sa school way back in college. Mabuti na lang at dumating ako kung hindi baka napano na siya. At yun ang unang beses na narinig ko ang boses niya.

Matapos nun ay saka naman ako nagparamdam na gusto ko siya. Pero matigas si Lala. Direct to the point kung magsalita. Sinungitan pa nga ako at sinabing kahit sa panaginip hindi niya ako magugustuhan kaya mas mabuti pang sa iba ko na lang daw ibaling ang pag-ibig ko.

Syempre tanga ako kaya hindi ko pinakinggan ang sinabi niya at sinunod ang tibok ng aking puso.

Hays.

Pero tama siya dahil sa limang taon na magkasama kami ay hindi ko maramdaman ang pagmamahal niya sa akin. She treats me like bestfriend. Tss! Pero okay lang, dahil alam kong darating ang araw na matutunan niya ding mahalin ako. Pero-------- Mukhang imposible. Malabo.

Mas lalong naging komplikado ang lahat ng dumating ulit ang lalaking yun sa buhay niya. Yung lalaking nanakit sa kanya. Yung lalaking nanloko sa kanya at yung lalaking mahal na mahal niya.

Araw-araw akong nagseselos pero hindi ko lang pinapahalata. Gusto kong maging kalmado lang kahit na lihim na akong nasasaktan. Nakakainis lang dahil parang nanandya na eh.

Okay lang wag lang siyang sasaktan ulit ng lalaking yun.

Nung nalaman kong magkasama silang dalawa na hindi ko alam kung bakit sumama naman si Lala. Nung nakaraan lang sinabi niya sa akin na ayaw na niyang makita ang lalaking yun pero kinain niya lahat ng mga sinabi niya. Sobra akong nag-alala sa kanya.

Alam kong wala ako sa lugar para pakialamanan ang ginagawa niya. Sino ba naman ako. Isang kawawang manliligaw.

"Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah. " napalingon ako sa likuran ko at nakita ko ang kaisa-isang babae na nagmamahal sa akin.

"Mommy. " bati ko at humalik sa pisngi niya.

Nakangiti naman si Mommy habang nakatingin sa akin. Si Mommy na lang kasi ang meron ako.

"What's bothering you?? A girl?? Si Lala ba?? " usisa niya sa akin.

Walang magulang ang hindi kilala ang kanyang anak. Kaya wala akong nalilihim sa kanya.

"No Mommy. "

"You lied again. Come on my son. Si Lala ba?? " she asked me again.

Hays. Tumango na lamang ako bilang tugon sa kanyang tanong.

"All this time mahal mo pa rin siya. But remember, wag mo namang sanang parusahan ang sarili mo sa ginagawa mo. There's a lot of women out there. Hindi lang siya ang babae sa mundo. " pangaral niya sa akin.

Heto na naman si Mommy.

"I don't care Mom. If this a punishment to myself handa akong magdusa makasama ko lang si Lala. " depensa ko kay Mommy. Alam ni Mommy kung gaano ako nahihirapan at nasasaktan sa ginagawa sa akin ni Lala. Gusto niya lang akong protektahan. Ganon naman ang magulang diba??

His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon