Dalawang linggo ang lumipas simula ng araw na iyon. Maraming nagbago. Una na riyan ang patuloy na paggaling ng aking anak. Isa na siya sa mga survivor ng sakit na iyon. Walang masabi kondi puro pasasalamat. Salamat dahil nabuo ulit kami. Wala namang pagsidlan ang ngiti ng kambal ng ganap ko ng ipinakilala si Dustin sa kanila.
Perfect family. Iyan ang nakikita ko ngayon at ganon din sa mga susunod na panahon. Bumalik na nga ng tuluyan si Dustin at muli na naman akong nagtiwala. Ganon ko siya kamahal. Sobra.
Ipinaliwanag din namin kay Mommy ang lahat lahat. Ang mga pangyayare kung paano nag umpisa ang lahat. Naipaliwanag ko din ang side ko kung bakit ako naging matigas, kung bakit inilayo ko ang aming mga anak. Nagpapasalamat ako dahil napaka understanding ng aking mga magulang. Malawak ang kanilang pang-uunawa. Wala silang tutol sa naging desisyon ko. In fact, gusto nilang makasal kami in the right time.
Tumulong din si Mommy na malutas ang problema ng pamilya ni Dustin. Nakwento ko din kasi ang tungkol sa arranged marraige niya kay Margaret. Hindi nag hesitate si Mommy na tumulong sa kanya kaya naman nag invest si Mommy ng malaking halaga para mapunan ang pangangailangan ng kanilang kumpanya. Isa din si Mommy sa major top shares na kumpanya nila kaya wala na kaming iisiping problema.
Excited na ko na gumawa ulit ng mga magagandang mangyayare sa aming dalawa at sa aming pamilya. Hangad ko ang magandang buhay para sa amin.
Sa ngayon, ay abala kami sa pagbabantay ng aming anak. Inuwi na namin si Demi sa mansyon at kumuha na lamang ng private nurse. Masaya ako na nakikita ko ang mga anak ko kung gaano sila kasaya. Wala na kung mahihiling pa.
“Ang lalaki na nila.” sabi ni Dustin.
Nakaupo kami ngayon sa veranda kung saan nakaharap kami sa malaking pool ng mansyon.
Coffee in the morning.
“Oo nga. Lalo na si Demo sobrang tangkad mana sayo.” sagot ko naman at uminom ng kape.
“Maraming salamat Lala.” tugon niya kaya napatitig ako sa kanya.
“For what?” ang nakangiti kong sabi.
“Dahil tinanggap mo ko ulit. Pinayagan mo kong makasama ko ang aking mga anak.”
“Dustin alam ko. Alam ko, kung gaano mo sila kagustong makilala at makasama. Ako dapat ang magpasalamat dahil ito yung hiling ng mga anak natin ang makasama ka.” sabi ko.
Nginitian ko siya to say na wag na niyang isipin ang nakaraan.
“Thank you.” saad niya.
Looking Dustin right now. Alam kong nagbago na siya. What I mean matagal na siyang nagbago. And I'm happy for him. Masaya ako dahil nandito siya sa tabi ko.
Tulad ng malakas na unos ay may araw ding sisikat. Simula ng panibagong buhay.
“Good Morning!”
Sabay kaming napalingon kay Mommy na malapad ang ngiti. Binati din namin ito ng sabay ni Dustin.
“Tita coffee??” alok ni Dustin sa kanya.
“No thanks Iho. Actually kailangan ko ng umalis. May meeting pa ako.”
“Ingat po Mommy.” sabi ko.
Agad namang tumayo si Dustin at nilapitan si Mommy.
“Tita thank you po.” narinig kong sabi ni Dustin.
“Welcome Iho.”
Sa nakikita ko mukhang magkakasundo sila ni Mommy. Well, simula pa naman ng una alam kong malapit na ang loob ni Mommy kay Dustin. Remember, nung pinakilala sa akin ni Mommy si Dustin noon. Alam ko, proud na proud si Mommy sa kanya.
BINABASA MO ANG
His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)
Teen FictionNapaglaruan ka na ba sa pag-ibig o mahilig kang maglaro ng damdamin ng iba ?? Ito ang huling bahagi ng kwento ng taong laro lang ang gusto. Hanggang saan sila dadalhin ng tinatawag nilang kapalaran.