Chapter 6 : Business Partner

1K 29 1
                                    

Matagal kong tinitigan ang aking mukha sa harap ng salamin.

Perfect! Wala pa rin talagang tatalo sa ganda ko. Lalo na ngayon, ako na ang manager ng clothing line and I'll make sure everything is under my control.

Nang masigurado kong okay na ang ayos ko ay bumaba na ako ng sasakyan. Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng clothing line ay nakikita ko na ang mga empleyado ko na nagkukumahog sa loob upang hindi ko maabutan. Yung iba naman tudo linis ng kanilang assigned task. Yung iba, chinicheck kung kumpleto ba ang lahat. Walang pakalat-kalat ni isa man sa kanila.

Every morning kasi kailangan nilang bumaba para sa peptalk na ginagawa ko. Kunting announcement sa mga gusto kong mangyare. Gaya nga ng nasabi ko in a short period of time ay ilag na silang lahat sa akin. Walang kumakalaban or else they will fired.

Derederetso akong pumasok sa loob ng company. Sa main entrance pa lang ay tanaw na agad ang mga empleyado kong naka one line formation. Rinig ko ang mga kaba sa kanilang dibdib. Walang gustong gumalaw at mas lalong walang gustong magsalita. Lahat sila yumuyuko sa tuwing nadadaan ko sila.

Syempre naka to the highest level ang kilay ko. Matakot na sila.

Si Beki naman nasa gilid na in-charge sa ganitong pasimuno ko.

Bawat malampasan kong empleyado ay nakakarinig ako ng malalim na buntong-hininga. Pakiramdam siguro nila nakahinga na sila ng maluwag dahil hindi ko sila sinampolan ng katakot-takot na lait.

Papasok na sana ako ng elevator ng bigla kong napansin ang alikabok sa gilid nito.

"Sino ang in-charge dito ?? " deretsong sabi ko na siyang ikinatakot nila.

Walang sinumang nagtangkang nagsalita sa kanila kaya inulit ko ulit ang tanong pero gaya kanina ay tikom-bibig lang sila.

"Bingi ba kayo o sadyang nagbibingibingihan lang!? " pagmamaganda ko.

"Kasi Ms. Lala, ahm ------ "

Hindi ko pinansin si Beki at nagpatuloy ako sa aking pagsesermon.

"Kung ayaw niyo ng trabaho mula sa demonyitang kagaya ko. You better leave! Hindi ko kailangan ng mga taong ayaw sa akin. " pagtataray ko.

Actually, normal day na para sa akin ang ganitong scenario. Gustong-gusto ko nga yung ganitong eksena dahil nahahasa ang aking maldita skills.

"Demonyita talaga. "

Narinig kong bulong ng isang empleyado. Tiningnan ko lang sila pero yung tingin ko paniguradong nakakamatay. TSS!

"So, sino ang in-charge dito ?? " muli kong tanong.

"Ms. Lala, si Mang Pedring po. Yung utility po natin. " pagkukwento pa ni Beki.

TSS! Sasabihin naman pala pinatagal pa. Alam niya kasi ang ugali kong ubod ng sama.

"Where is he ?? " taas-kilay kong tanong.

His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon