Dalawang buwan ang lumipas simula ng malaman kong buntis ako. Tuwang tuwa si Mommy nung sabihin ko sa kanya ang kalagayan ko at mas nagagalak ako ng mga makita ang reaksyon ng kambal. Halos hindi sila makapaniwala na magkakaroon na sila ng kapatid. Paulit ulit nga nilang tinatanong kung kailan daw lalabas ang baby ko.
Si Dustin ay unti unti namang nakakarebor. Kahit paano lumalago na ulit ang kumpanya ng mga magulang niya. Naging sweet at maaalalahanin si Dustin sa akin. Oras oras chinicheck niya ako kung okay ba ako. Simpleng bagay pero ang sarap sa pakiramdam. Ang sarap sa pakiramdam dahil may isang taong nag-eeffort para sa akin.
Yung kambal ko naman ayon makukulit pa din. Nakikita ko na rin sa kanila unti unting pagbabago ng hubog ng katawan lalo na si Demi. Nagdadalaga na siya.
Pinag-usapan din nila Mommy at ang pamilya ni Dustin ang tungkol sa kasal namin. Gusto ni Mommy na maikasal kami sa lalong madaling panahon bago lumabas ang baby sa tiyan ko. Pamahiin daw nila iyon. Hindi raw maganda sa isang babae na hindi kinakasal. Kaya yun no choice kami ni Dustin kundi ang sundin ang kanilang gusto.
Natutuwa din ako dahil mababait ang mga magulang niya. Napaka supportive nila sa amin. Pinakilala ko rin sa kanila ang mga apo nila. Sobra silang natutuwa dahil nayakap na nila ang kanilang apo. Pinanggigilan pa nga ito ng Dad ni Dustin.
Gwapo at magaganda raw ang mga anak ko. May pinagmanahang magagandang lahi. Napangiti na nga lang ako na marinig ko iyon.
“Honey tapos ka na?” ang tanong sa akin ni Dustin habang naglalagay ng butones sa kanyang suot na long sleeve.
“Saglit na lang.”
“Baka malate tayo.” daing niya.
Ngayong gabi ay napagpasyahan ng aking ina na ganapin ang engagement naming dalawa. Si Mommy talaga. She make sure na masusunod ang kanyang nais.
“Ganyan ba talaga kayong mga babae? Inuubos ang oras diyan sa makeup?”
“Hindi naman kami kagaya niyong mga lalaki na konting suklay lang okay na.” ibinalik ko ang aking atensyon sa aking mukha. “Naiinip ka ba kasi kung oo pwede ka ng mauna.”
“Of course not!” agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako.
“Honey, magugulo ako. Malapit na kong matapos.” sabi ko saka niya ako hinalikan sa pisngi.
“You are the most beautiful girl that I've ever seen.”
“Sus kikiligin na ko?” ang natatawa kong sabi.
Deep inside ang lapad ng aking ngiti at lahat ng laman loob ko ay nagwawala sa aking katawan. The way kung paano niya ako tingnan sobrang nakakakilig.
“Look at me.” utos ko sa kanya at tumingin naman sa akin. Tumayo ako at tinanong siya kung bagay ba sa akin ang suot ko. Hindi pa naman halata ang tiyan ko dahil two months pa lang ito. I'm wearing plain white dress na sobrang ganda ng desinyo nito. I know its simple but it looks eligante.
Si Dustin naman his wearing black suit and a tuxedo. Bumagay pa iyon dahil sa suot niyang relo. Napakagwapo niya sa kanyang kasuotan.
“What time is it?” ang tanong ko at tumingin naman siya sa kanyang relo.
“Were getting late. Let's go?” aya niya sa akin. Tumango naman ako habang nakangiti sa kanya.
Sabay kaming bumaba ng hagdan. Sa ibaba naman ay nag-aantay ang kambal na ang lalapad ng mga ngiti.
“Beautiful Mommy.” ang saad ni Demo.
“Hi Daddy!” bati ni Demi at lumapit ito sa ama at hinalikan niya sa pisngi.
BINABASA MO ANG
His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)
Teen FictionNapaglaruan ka na ba sa pag-ibig o mahilig kang maglaro ng damdamin ng iba ?? Ito ang huling bahagi ng kwento ng taong laro lang ang gusto. Hanggang saan sila dadalhin ng tinatawag nilang kapalaran.