"Ma'am kukunin niyo po ?? " tanong sa akin nung sales lady dito sa shoe shop.
"Pwede ko bang hiramin ?? " tinaas ko yung kilay ko to the highest level saka tiningnan siya ng malalim. Yung tinging pwede ko siyang kainin ng buhay.
"Ma'am kasi----- "
"Hindi ka naman siguro tanga o sadyang nagtatangatangahan lang !? Anong tingin mo sa akin walang pambayad ?! Baka gusto mong isampal ko sayo 'tong credit card ko ng matauhan ka. Kakaluka. " pagtataray ko.
Ilang taon na kong wala sa Pinas pero bakit ang dami pa ring tanga.
TSS! Wala pa ring pinagbago! Lumalabas tuloy ang pagiging maldita ko.
"Nagtatanong lang po -------- " pinutol ko yung sasabihin niya at mas lalo ko pa siyang tiningnan ng masama.
"Wag kang bastos! Ilang beses ka bang inire ng nanay mo ?! Hindi mo ba ako kilala ?? Ako si Lala. Lala the most beautiful girl in the campus. Ay hindi pala...The most beautiful girl in town. " sabi ko with a confident level na kulang na lang lumuwa ang mata ko sa sobrang pagtitig sa kanya.
Ang tanga kasi eh. Sinabi ko ng gusto ko yung shoes kaya binigay ko sa kanya tapos sasabihin sa akin kung kukunin ko ba ??
Tanga lang diba ??
Hays.
Wala pa rin talagang pinagbago dito sa Pinas ang dami pa ring tanga.
Inayos ko yung tayo ko habang nakatingin pa rin sa tangang sales lady na kunti na lang alam kong iiyak na siya.
"Okay lang naman na magtangatangahan minsan wag mo lang kakaririn dahil tanga ka na magiging baliw ka pa. " pagtataray ko at pansin ko na rin ang daming tsismosa sa paligid.
TSS.
"Sorry po Ma'am. " kinakabahan niyang sabi.
"Wag kang mag sorry dahil hindi kita inaano. Pinupuna lang kita. Oh!? Umayos ka nga baka sabihin nila pinapaiyak kita. "
Inayos niya naman yung sarili niya. Kunti na lang alam kong iiyak na ang isang 'to.
Hays.
Ayuko na nga sanang mag MALDITA pero ang dami paring tanga.
"Akin na nga yan. Ako na lang ang magbabayad sa cashier baka kong ano pang magawa ko sayo at maubos pa ang ganda ko. " inis kong sabi habang nakataas pa rin ang kilay ko at akmang magsasalita pa sana siya kaya naman inunahan ko na siya.
"Sasagot pa ?? " pagtataray ko saka tuluyan ng kinuha yung shoe box at tuloy tuloy akong nagbayad sa cashier.
Miss me ?? O well I'm sure namiss niyo talaga ako ng bonggang bongga.
Wag niyo na akong tanungin kong namiss ko kayo dahil nasusuka lang ako. Never in my life na mamiss ko kayo.
TSS.
Buhay pa ba ang lahat ng mga member ng Fansclub ko ??
Okay uulitin ko.
Ang istoryang ito ay para lamang sa lahat ng mga sumusunod.
- para sa mga panget na laging nilalait.
-para sa mga galit sa mga magaganda.
- para sa mga INSECURE Capsluck para intense.
- para sa mga walang lovelife.
- para sa mga iniwan ng syota.
- para sa lahat ng bitter na hindi maka move on sa forever na yan.
- para sa mga nagbabait-baitan.
- para sa mga maldita na gaya ko.
- para sa mga mahilig mangbara.
-para sa mga feelingera.
- para sa mga pabebe.
- para sa mga mahilig mang backstab.
- para sa mga mahilig mang bully.
- para sa lahat ng bumubuo ng fans club ko.
Kung isa kayo sa mga nabanggit ko.
Welcome to the world of Maldita.
WALA AKONG PAKIALAM SA LAHAT NG HATERS KO DAHIL HINDI KO IKAKAGANDA NG SOBRA KONG PAPATULAN SILA.
CLAP! CLAP!
A/N :
Ito na talaga ang inaabangan niyo guys. Ang muling pagbabalik ni Lala.
May concept na po ako sa story na 'to and I'm sure mas lalo kayong maiinis sa kanya dahil sa gagawin niya.
Haha. Kahit ako sobrang namiss ko ang character ni Lala.
Sana supurtahan niyo pa rin ang book2 ng kwento nila ni Lala at Dustin.
Would it be happy ending talaga para sa kanila o sad ending ulit ??
10 votes for the first Chapter.
BINABASA MO ANG
His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)
Teen FictionNapaglaruan ka na ba sa pag-ibig o mahilig kang maglaro ng damdamin ng iba ?? Ito ang huling bahagi ng kwento ng taong laro lang ang gusto. Hanggang saan sila dadalhin ng tinatawag nilang kapalaran.