Dustin's POV
"Yes Dad! Don't worry about the wedding. For the sake of our company magpapakasal ako kay Margaret. " tugon ko sa kabilang linya.
"I'm sorry son. It is the only way para manatiling matatag ang kumpanya. I hope you understand! Why we're forcing you to marry. Alam ko hindi mo siya mahal----- "
"No more drama Dad. " Malungkot na tugon ko saka pinatay ang linya sa kabila.
The heck! One month from now ay tuluyan na nga akong ikakasal kay Margaret. Wala na rin namang pag-asa upang hindi matuloy dahil yung babaeng magsasalba sa akin ay tuluyan na akong iniwan.
Napabuntong-hininga ako saka humakbang papasok sa loob ng lobby. Nasa airport ako ngayon, meron kasi akong project sa Cebu na kailangan kong taposin within this month. Si Margaret naman nagpaalam sa akin na tutungo lang sa comfort room bago ang flight niyang papuntang Paris. So bale sabay yung alis naming dalawa.
"Excuse me!? "
Napatingin ako sa batang babae na nasa harapan ko. Halos para namang malaglag ang panga ko dahil sa nakikita ko sa harapan ko. Ang lakas ng tibok ng aking puso na para bang matagal ko ng kakilala ang batang babaeng 'to! At iisa lang ang pumasok sa isipan ko. 'Kamukhang-kamukha ko siya. '
"Nakita mo ba ang Mommy ko?? " tanong niya sa akin with a slang voice. Marahil laking abroad ang batang 'to.
Pinagmasdan ko ng maigi ang hugis ng kanyang mukha. Ang mga mata niya. Ang labi niya. Sounds weird paro talagang hinulma sa katawan ko.
"Sorry pero hindi ko kilala yung Mommy mo. "
"O sorry, I thought your a staff here. Nevermind. " maarte niyang sabi dahilan para pumasok sa aking isipan si Lala.
"Wait! " tawag ko ng akma na siyang aalis. Lumingon naman agad siya sa akin. Nakita ko na naman ang mga mata ko sa kanya. "Whats your name?? "
Napakaganda ng mga ngiti niya. It looks familiar. Ewan. Ang lakas ng lukso ng aking dugo. Parang gusto ko siyang yakapin.
"I'm Dem------ "
"Babe! "
Napalingon ako sa likuran ko ng tawagin ako ni Margaret dahilan para mawala ang atensyon ko sa bata.
"Babe, sorry ang daming tao sa CR. " sabi ni Margaret sa akin habang nakaguhit ang mga ngiti sa kanyang labi.
"It's okay. " tipid kong sagot.
Mabilis naman siyang pumulupot sa akin. Kung pwede lang umiwas ginawa ko na. Wala akong maramdaman kay Margaret. Were just friend. At wala ng hihigit pa dun. But I need to accept the fact na ikakasal na kami soon.
"Babe I forgot! Nakalimutan ko yung bag ko sa condo. But don't worry siguro bibili na lang ako pagdating ko ng Paris. " maarte niyang sabi.
Margaret is a type of person na showy. Mas gusto niyang pinagtitinginan kami kung gaano kami kasweet at kung gaano niya ko kamahal. It shows na gusto niyang ipagsigawan sa lahat na sa kanya lang ako. And to be honest, sobra na akong nasasakal sa ganitong sitwasyon.
Iniwas ko ang tingin sa kanya saka ko lang naalala yung batang kausap ko kanina. And to my surprise, tahimik siyang nakatingin sa amin na parang pinagmamasdan ang kabuuan namin ni Margaret.
"Who is she?? " tanong sa akin ni Margaret pero nanatili lang akong nakatingin sa bata.
"His daughter! " matigas niyang sabi. Napansin ko rin ang pagtaas ng kanyang kilay.
BINABASA MO ANG
His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)
Teen FictionNapaglaruan ka na ba sa pag-ibig o mahilig kang maglaro ng damdamin ng iba ?? Ito ang huling bahagi ng kwento ng taong laro lang ang gusto. Hanggang saan sila dadalhin ng tinatawag nilang kapalaran.