Ako na siguro ang pinakamasayang nanay sa buong mundo dahil kasama ko ang kambal ko. Alam kong sobrang miss na miss na nila ako lalo na at isang buwan na ang lumipas simula ng umuwi ako ng Pilipinas.
Sobrang ang kukulet nila. Lalo na si Demo ang daming dalang kwento sa amin. Habang kumakain kami kagabi panay kwento naman niya. Napakadaldal na bata. Palabiro pa.
Natawa nga ako dahil kapag lumaki na daw siya. Gusto niyang tulungan ako sa business ng kumpanya. Mag-aaral daw siya ng mabuti same as Demi. Yun nga lang si Demi, nagmana yata ng pagiging spoiled sa akin. Laging contradict sa lahat ng pinag-uusapan namin kagabi.
Napakabata pa nila pero kung mag-isip parang ang tanda na nila. Ang tatalino nila.
Syempre, katabi ko sila matulog. Namiss ko din yung ganon na katabi ko ang mga anak ko. Ayaw pa nga ng kambal na katabi ako dahil malalaki na daw sila at hindi na babies. Natawa na lang ako dahil ang cute nilang tingnan. Pero syempre ako pa rin ang nasunod kahit major drama na ang ginawa ko.
Ang bilis lang ng araw.
Niyakap ko sila ng mahigpit bago ako umalis ng mansyon. Nakakapanibago lang sa pakiramdam dahil nakikita ko na yung mga anak ko. Kung pwede nga lang na hindi na ko pumasok para makasama ko sila kaso hindi pwede dahil kailangan kong magtrabaho para sa kanila.
Ganon naman diba?? Walang ina ang hindi kayang supurtahan ang nais ng kanyang mga anak.
Napakabait talaga ng diyos sa akin kahit na may sungay akong tinatago. Hindi pa man ako nakakapasok sa office parang gusto ko ng makauwi agad.
Nakaguhit ang mga ngiti sa aking labi nung pumasok ako sa loob ng kumpanya. Puno naman mg pagtataka ang mukha ng bawat empleyado. May narinig pa nga ako na merong himala daw.
Tss! Ayukong masira ang araw ko ng dahil sa kanila.
Magaan ang aking loob ng pumasok ako sa loob ng office pero napalitan iyon ng inis ng makita ko si Dustin. Parang biglang bumigat ang atmosphere na kanina lang ang saya saya ko.
Tahimik akong tumungo sa table ko na hindi man lang siya binabati.
Kinabahan din ako at nabalot ng takot ang aking pagkatao.
Nandirito na ang mga anak ko. Pero paano-------- Paano kung isang araw makita ni Dustin ang kambal!? No! Hindi! Hindi ako papayag na kunin niya sa akin ang kambal. Ako lang ang may karapatan sa mga anak ko. Hinding-hindi mangyayare ang mga naiisip ko. Hinding-hindi malalaman ni Dustin na nagkaanak kami.
"Hey!? " iritang sabi ni Dustin habang nakatingin sa akin. Agad naman akong natauhan at tumingin sa kanya. Sa sobrang ang lalim ng iniisip ko hindi ko na namalayan na nasa harap ko na pala si Dustin.
Napamasid pa nga ako sa kanya at si Demo ang nakikita ko sa mukha niya.
"May dumi ba ako sa mukha?! "
Mabilis kung iniwas ang tingin sa kanya kasabay nun ang pag-init ng aking mukha.
"Kailangan mo ng i-submit ang report na 'to. ASAP. " dagdag pa niya.
Tahimik ko namang kinuha iyon at inilapag sa gilid ng mesa.
"Thanks. " tipid kung tugon saka dahan dahang tumingin sa kanya na kanina pa nakatingin sa akin.
Geez! Yung tingin niya sa akin. Hindi ko gusto.
"Anong meron?? "
Nakahinga ako ng malalim ng dumating si Beki. Buti na lang talaga.
Tiningnan ko na lamang si Beki ng isang nakakatakot na tingin.
"Ok Fine. " dagdag pa ni Beki saka inilapag ang folder sa ibabaw ng table ko. "I smell something fishy. " pabulong niyang sabi na akala niya hindi ko narinig.
BINABASA MO ANG
His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)
Teen FictionNapaglaruan ka na ba sa pag-ibig o mahilig kang maglaro ng damdamin ng iba ?? Ito ang huling bahagi ng kwento ng taong laro lang ang gusto. Hanggang saan sila dadalhin ng tinatawag nilang kapalaran.