Chapter 52 : Got Pregnant

797 27 1
                                    

Habang tumatagal ay pagaling naman ng pagaling ang aking anak. May chemotherapy pa rin siya hanggang ngayon. Kailangan daw iyon para mapatay yung cancer cells sa katawan ni Demi.

Buti nga ngayon ay nagagawa na nitong lumakad ng deretso. Kumuha pa kami ng therapist para maayos ang lakad niya. I'm glad dahil hindi sumuko ang aking anak.

Dalawang linggo ang lumipas at tuluyan na nga siyang gumaling. Binilinan lang kami ng doctor na wag siyang mapagod at inumin ang mga gamot na para sa kanya. Samantala naman, pinabalik ko na rin si Dustin sa kumpanya. On going yung meeting nila ni Mommy.

Si Dustin kasi ang napiling representative ng kumpanya para sa isang programa na inorganize ng mga kilalang kumpanya sa buong mundo. May tiwala ako sa talino ni Dustin. Alam kong magagawa niya iyon ng maayos.

“Sissy!” tawag sa akin ni Ate Lovely. Agad naman akong lumingon sa kanya na naglalakad palapit sa akin.

“Nakita mo ba yung makeup kit ko?” tanong niya sa akin. Umiling naman ako bilang sagot.

“Hindi ko nakita why?” sabi ko.

Kumuha siya ng apple sa table at kinagat ito.

“Baka na misplaced ko lang.” sagot niya at tumalikod na upang umalis.

Bigla namang umikot ang sikmura ko na parang ewan. Hindi ko maintindihan kaya bigla akong tumakbo sa lababo at sumuka. Pero walang lumalabas na kahit ano maliban sa tubig na nasusuka.

“Okay ka lang?” tanong ni Ate na akala ko nakaalis na. Tumango naman ako at kasunod nun ay muli akong naduwal. “My god Lala. Lagi kang sumusuka kapag morning. Hindi kaya? Hindi kaya buntis ka?”

Napatigil ako sa pagduwal at nakatitig lang sa lababo na parang nagpprocess sa utak ko ang sinabi ni Ate.

“Buntis?” tanong ko sabay iling ko.

“Come on. Baka buntis ka. Wala akong gagawin ngayon pwede kitang samahan sa hospital.”

“Hindi Ate. I'm not pregnant. Baka sa coffee 'to. Sinisikmura kasi ako pag nainom ng kape.” depensa ko.

Buntis kaya ako? Muli na naman akong naduwal dahilan para lumapit siya sa akin at inalalayan ako.

“I told you Lala, sign yan na pregnant ka. Kailan ka huling dinatnan?”

Napaisip ako sa sinabi ni Ate. Buntis ako?

***

Talagang pinilit ako ni Ate Lovely na magpatingin sa ospital. Wala naman akong nagawa gusto ko ding malaman kung ano ang kalagayan ko. Isang linggo na akong ganito. Laging nasusuka minsan mainitin ang ulo ko.

Hindi ko muna sinabi kay Dustin na pupunta ako ng ospital. Ayukong umasa na buntis nga ako. Kung totoo ngang buntis ako ay alam kung magiging masaya sila sa paparating na anghel na naman sa pamilya.

Si Ate Lovely naman habang nagmamaneho ng sasakyan kung ano ano ang tinatanong na parang reporter. Ang dami niyang alam na akala mo nasubukan ng magbuntis. Tinalo pa ako. Hehe.

Gusto ko ding makita na magkaroon ng pamilya si Ate. Para kasing napapansin ko na hindi siya interesado sa mga lalaki. Minsan napapaisip ako kung babae ba talaga ang Ate ko.

Hays. Sayang naman ang ganda niya kung di siya mag aasawa.

Ilang minuto pa ang lumipas at nakarating na nga kami ng ospital. Si Ate ang naging hands on sa pag-alalay sa akin. Sinabi ko na kasing isama namin si Dustin ngunit ayaw niya. Hehe.

Dinala kami ng doctor sa OB section. Sinimulan naman agad akong suriin. May tinatanong sa akin like yung nasusuka ako every morning. Pina pregnancy test niya rin ako and it was confirm buntis nga ako. Namuo naman ang luha sa aking mga mata. Tears of joy. Wala din akong masabi na kahit ano as in para akong natameme. Excited akong ibalita ito kay Dustin.

His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon