Chapter 29 : The Strangers

636 18 1
                                    

Lala's POV

Minsan mas maigi ng lumayo sa nakararami at mas gugustuhin na lang natin ang mapag-isa para kahit paano magkaroon ng katahimikan sa puso at isip natin.

Alam kong tama ang desisyon na ginawa ko. Tama ang iwan ko muna ang kumpanya at hanapin ang aking sarili. Alam kong maraming gustong dumamay sa akin lalo na ang pamilya ko pero mas minabuti ko na lamang ang mapag-isa.

I want peace right now para pagbalik okay na ako at handa na kong harapin ang lahat ng walang poot sa aking dibdib.

Isang araw na ang lumipas simula ng magdesisyon akong lumisan. Narito na ako ngayon sa hotel and resort na pinareserve nila Mommy para sa akin. Kung kailangan ko raw ng makakausap wag daw akong magdadalawang-isip na tawagan sila. Thankful ako dahil napaka-understanding nila sa akin. Kahit minsan nakaka-ubos na rin ako ng pasensya.

Si Cris panay text at tawag sa akin pero ni isa sa mga tawag at text niya ay wala akong nireplyan. Paano ako makakalimot kung ganon naman sila sa akin.

Overall, okay naman yung resort. Tahimik at malayo sa kabihasnan. Talaga namang makakapag-isip ako ng maayos. Unang araw ko pa lang sa resort pakiramdam ko welcome na welcome ako. Walang kakilala at malayo sa totoong mundo ko.

Right now, I want to be nice sa lahat. Alam kung kaya ko.

Hays. Buhay nga naman parang life. Kung hindi ka pa mauuntog sa katotohanan hindi ka pa magigising.

Huminga ako ng malalim habang nakaharap sa salamin. Actually, kanina ko pa pinagmamasdan ang mukha ko na para bang may hinahanap ako hanggang sa napadako ang aking tingin sa kwintas na suot ko. Napahawak pa nga ako rito saka ko naalala si Cris. Yung araw na ibinigay niya ito sa akin. Yung araw na nakita ko sa mga mata niya kung gaano siya kasaya. Yung araw na akala ko kaya ko ng ibigay ang sarili ko ng buo. Yung araw na masasabi kong sobrang masakit sa kanya kahit na nababanaag ko ang ligaya na nakaukit sa mga labi niya. Its complicated!

Dahan-dahan kong tinanggal ang kwintas sa leeg ko at inilagay sa maliit na box at itinago sa bag ko kasunod nun ang pagkalaglag ng isang bagay sa sahig dahilan para damputin ko ito. Bigla naman akong naguluhan ng makita ko ang Belguim chocolate na ibinigay ng sinumang lalake kay Demi. Kinuha ko ito sa kanya dahil allergy si Demi sa chocolate.

Ewan. Ang weird lang dahil naalala ko bigla sa Dustin sa chocolate na 'to. Ayukong tanggapin na ang lalaking nagbigay ng chocolate kay Demi ay si Dustin. Imposible namang nasa airport din si Dustin ng araw na iyon dahil sa pagkakaalam ko nasa ibang bansa na ito kaya sobrang labo talaga.

Pero yung kaba na naramdaman ko ng mga oras na iyon. Ibang-iba sa lahat. May takot akong naramdaman.

Natigil ako sa pag-iisip ng tumunog yung door bell ng unit ko. Agad ko namang inayos ang sarili ko at mabilis na humakbang patungo sa may pinto. Binati naman ako ng isang staff at tinanong ako kung kumportable ba ako sa kwarto ko. Ngumiti lang ako bilang sagot at lumisan din ito agad.

It's almost 7 o'clock in the evening kaya nag decide akong lumabas ng room at maglakad-lakad sa labas. Suot ko ang manipis na pulang pambalot sa katawan para kahit paano hindi ako lamigin.

Sobrang sarap sa pakiramdam na para akong niyayakap ng simoy ng hangin na dumadampi sa aking katawan. Nakakagaan sa pakiramdam at nakakawala ng stress. Nag-ikot-ikot ako sa lugar at pinagmasdan ang paligid. Sobrang ganda na hinding-hindi matutumbasan ng kahit anong halaga. This place is worth it!

Sa aking paglalakad ay naisipan kong maupo sa isang bench kung saan tanaw ko ang dalampasigan. Napapangiti pa nga ako na parang baliw. Ngayon ko lang yata nafeel yung ganito.

His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon