Chapter 51 : In the name of LOVE

774 22 2
                                    


Hanggang ngayon ay lumulutang pa rin ako habang nakatingin sa suot kong singsing. Ang lapad ng aking mga ngiti na para bang hindi pa rin makapaniwala sa nangyayare sa akin ngayon. Dininig na ng diyos ang lahat ng hiniling ko. Hindi niya ako pinabayaan sa laban ng pagsubok ng buhay ko.

Pinatatag niya ako kahit sa kabila ng pagiging marupok ko. Hindi niya ako iniwan. Lately ko lang din nalaman na si Dustin ang donor pala ni Demi. Tama nga ang kutob ko hindi niya kayang tiisin ang mga anak ko. Naiintindihan ko naman siya kung bakit niya iyon nagawa. Alam kong nasaktan din siya sa mga salitang binitawan niya. Kilala ko si Dustin kaya niyang maging manhid pero deep inside sobrang lambot ng kanyang puso.

“Okay ka lang ba? Kanina ka pa diyan tulala.” ang bigla niyang tanong sa akin ng mapansin akong tahimik lang.

Nagmamaneho kasi siya ng sasakyan pauwi ng mansyon.

“Oo naman. Ako pa ba.” ang nakangiti kong sabi tapos ngumiti naman siya.

“Let me guess?” sabay taas niya ng kanyang kilay. His so cute.

“What?”

“Pinagnanasaan mo siguro ako sa utak mo.”

“Hoy sira ka!” ang pabebe kong sabi tapos tumawa naman siya ng malutong. Sounds wierd hindi ko magawang mainis sa kanya lalo na at kaysarap sa pandinig ko ang mga tawa niya.

“Your blushing.” ang natatawa niya pang sabi.

Gusto ko sana siyang hampasin kaya lang baka mabunggo kami. Hehe.

“Kasi ikaw eh!”

“You know what! I miss that face of yours. Haha. Still the same Lala that I know.” ang sabi niya sa akin habang nakangiti.

Napangiti na lang din ako instead na mainis. Sinabayan ko na lamang siya.

“Thank you ha.” ang tugon ko matapos ang malulutong na tawanan.

“For what?”

“Thank you dahil naaalala mo pa din yung dating ako. Thank you kasi hindi mo ko kinalimutan.”

“Pwede ba? Of course, ikaw lang kaya ang laman nito.” tinitigan niya ako ng ilang segundo at muling ibinalik ang atensyon sa pagmamaneho. “Ikaw lang naman ang nag-iisang minahal ko kaya hinding hindi ko iyon makakalimutan.” ang seryusong sabi niya.

Sobrang lakas ng tibok ng aking puso dahil sa mga sinabi niya. Oo na ako na ang kinilig.

As an aswer ay bigla ko siyang hinalikan sa pisngi.

“I love you.” sabay sabi ko.

“I love you more.” tugon niya at nginitian ako.

Ngumiti din ako. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Nag-uumapaw sa sobrang lakas ang tibok ng aking puso. Kung nandito si Lorraine for sure matutuwa iyon. Namimiss ko na nga ang kaibigan ko na iyon.

Sa dami ng mga iniisip ko na kung ano anong imagination na pumapasok sa aking utak ay hindi ko na napansin na nakarating na pala kami. Kung hindi pa nagsalita si Dustin ay hindi ko pa malalaman.

Dinala niya lahat ng mga pinamili ko sa mall sa loob at sabay kaming pumasok sa loob ng mansyon.

“Daddy!!” ang masayang sigaw ni Demo ng makita niya kami. Agad siyang tumakbo palapit sa daddy niya.

Mahigpit naman niya itong niyakap at hinalikan sa pisngi. Nakakatuwa lang dahil ilang taon na lang ay magiging ganap ng teenager ang aming mga anak. Nalulungkot din ako dahil pinagkait ko yung panahon na sana kasama namin si Dustin. Nakita niya sanang lumaki ang dalawa.

His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon