Chapter 15 : Demi and Demo

878 26 5
                                    

Isang araw ang lumipas matapos ang pag walkout ni Cris habang kausap ako. Akala ko nga iiwasan niya ako at hindi kakausapin pero nagulat pa ako nung kinausap niya ako. Napakagaling niyang magtago ng totoo niyang nararamdaman. Pinakita niya sa akin na okay lang, na para bang walang nangyare. Nagawa pa nga niyang ngumiti nung pumunta kami ng meeting.

Nagiguilt tuloy ako. Kahit na nakikita ko na siyang nasasaktan ng dahil sa akin ay hindi ko pa rin kayang ibaling sa kanya ang puso ko. Naaawa na ko kay Cris.

Alam ko yung pakiramdam na mahal mo pero hindi ka mahal. Sobrang sakit. Sobrang pait.

Hays.

Ginawa kung normal ang buong araw ko. Maging si Dustin ay ganon din. Hindi ko pinapahiwalay si Beki sa akin upang hindi makalapit sa akin si Dustin. Pag uwian naman mas minamabuti ko na lamang sumakay sa sasakyan ni Cris para kahit paano makabawi ako sa kanya.

Ngayon, naiintindihan ko na. Hindi pala maganda maging isang maldita. Puro pain, galit, muhi at pagkasuklam ang namamayani sa puso ng isang mildata. Minsan naman atensyon ng iba kaya nagiging masama ang isang tao.

Sa dami ng kasalanan ko kailangan ko na sigurong magpamesa.

Huminga ako ng malalim bago ko ininom ang coffee. Gusto kong gumaan ang aking pakiramdam kahit paano. Nasa kabilang table naman si Dustin. Para nga kaming mga tanga dahil pinakikiramdaman namin ang bawat isa.

Sobrang awkward.

Kailangan ko na sigurong paalisin sa kumpanya si Dustin. Para hindi na ako mahirapan ng ganito.

Napatingin ako sa may pinto ng office ng bumukas ito at iniluwa nun si Beki na may dalang folder. Puno naman ng pagtataka ang mukha ni Beki dahil sobrang tahimik sa loob na para bang dinaanan ng anghel.

"Hello?? " masayang bati ni Beki with hand gestures pa. Marahil ginawa lang yun ni Beki para maging light ang atmosphere sa loob. "Ayan okay na. Mga itsura niyo parang araw ng mga patay. " dagdag pa niya.

Tiningnan ko naman siya ng masama. Akala ko matitinag na siya pero mas lalong lumakas ang energy ng lola mo. Si Dustin naman patay malisya lang na parang hindi interesado.

Tss!

"Ms. Lala and Sir Dustin, sa susunod na araw na pala yung underwear launch natin. Everything was settled even yung mga models natin. Here is the list! " sabay abot ni Beki nung folder sa akin.

"Thanks Beki for reminding us. " tugon ni Dustin.

"Always welcome Sir Dustin. " nakangiting sabi ni Beki with matching pa cute pa.

Itinuon ko naman yung atensyon ko sa name list ng mga models at kung anong isusuot nila.

"Who is our highlight in the event?? " tanong ko kay Beki habang nakatingin pa rin sa folder.

"Si Ms. Margaret po Ms. Lala. "

"What!? Serious?! Baka naman malugi ang kumpanya! Bakit siya pa!? Marami namang sikat na models sa bansa. Bakit si Margaret!? " sabi ko pa.

"Why!? Margaret is a good model. One of the highest paid on this day. Malaki ang maitutulong ni Margaret sa kumpanya para i-promote ang mga design mo. " depensa ni Dustin habang nakatingin sa akin.

"Tama si Sir Dustin. Marami ang mahahakot ni Ms. Margaret na mga customers. "

Bakit ba lagi na lang silang pumapabor sa Margaret na yun. Hindi maganda ang image nun at ang itim ng budhi. Hindi sila nakakatuwa.

"Akala ko ba approve na sayo si Margaret?? It looks like na parang ayaw mo na sa kanya!? " depensa ni Dustin na puno ng pang-iinsulto sa boses niya.

His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon