Chapter 30 : New Friend

603 20 1
                                    

Sa kunting panahon ng pag stay ko dito sa resort ay mas lalo ko pang nakilala si Lorraine. Akala ko nga hindi ko siya makakasundo pero base on her story ay mas lalo akong napalapit sa kanya. Sobrang totoo niyang tao.

Mag-iisang taon na pala since namatay ang kanyang kasintahan. Kita ko sa mga mata ni Lorraine kung gaano niya kamahal si Andrew at sobrang hirap nito para sa kanya. Ginawa na niya lahat para lang makalimot pero sobrang hirap daw gawin dahil sa bawat pikit ng kanyang mga mata ay ang masasayang alaala ang nakikita niya.

Ganon pa man, ay sobra akong humahanga sa kanya dahil nakayanan niya lahat at nanatiling matatag kahit sobrang rupok na niya. Siguro nga, mas makakabuting kalimutan na lang ang lahat. Maglalaho man yung nararamdaman natin sa isang tao pero yung alaala ay mananatiling yaman ng ating nakaraan.

Pangatlong araw ko na ngayon sa resort. So far. Maganda naman ang nangyayare sa akin. Nakilala ko si Lorraine na lagi akong nililibang dahil sa pagkatalkative nito kaya hindi ako nababagot dito. Tinulungan ko din naman ang sarili ko na wag mabagot instead ginawa kung jolly ang bawat mga araw ko.

Nagagawa ko na ring ngumiti na walang halong kaplastikan. Ngiti na mula sa aking puso na tumatagos sa aking pagkatao. Nakapriceless nga daw ng mga ngiti ko sabi ni Lorraine. Naikwento ko na din sa kanya kung ano talaga ako. Na isa akong maldita as in maldita. Hindi pa nga siya naniwala sa akin dahil parang hindi naman halata. Like hello! Ang dami kayang naiinis sa akin. Kulang na nga lang kainin nila ako ng buhay. Pero dati yun.

Pagod na kong maging maldita. At tama na! Ayuko na.

"Lala?? " tawag sa akin ni Lorraine sa labas ng room ko.

"Yes come in. " sagot ko at bumukas naman ang pinto at iniluwa nun si Lorraine.

Napatitig naman ako sa suot niyang beach bikini.

"Napakasexy mo naman. " puri ko sa kanya. Ngumiti naman siya habang nakatingin sa akin.

"Thank you. You too. So lets go?? " yaya niya sa akin. Niyaya niya kasi akong maligo sa beach. Syempre pumayag naman ako. Hindi naman nagpahuli ang suot kung red bikini. Angat na angat ang kaputian ng balat ko dahil sa kulay ng suot ko. Napatapis muna kami ng manipis na tela at lumabas ng kwarto.

Syempre habang naglalakad kami. Hindi naman nakawala sa paningin ko ang mga nakasunod na mata sa amin. Medyo naiilang ako sa mga tingin nila na usually sanay na ako pero ngayon parang hindi ako kumportable sa kanila. Dati pa nga feel na feel ko na nakatingin sila sa akin dahil lagi kung iniisip na maganda ako at maglaway sila sa akin. Pero right now, parang ang iba ng dating nito sa akin. Parang nababastos ako.

"Are you okay Lala?? " tanong sa akin ni Lorraine ng mapansing naiilang ako.

"Y-yah. " palusot ko.

"You know what!? I stay here for two months. On my first day na nandito ako. Tahimik. Malayo sa kabihasnan. Of course, nakikipag-kilala naman ako para kahit paano mawala yung lungkot ko. " nilibang ko na lang ang sarili ko sa mga kwento ni Lorraine at hindi na pinansin pa ang mga matang nakasunod sa amin.

"Meron pa nga one time may lumapit sa aking guy. Take note hindi siya Filipino. A foreign guy. Tall, Dark and Handsome. " nakinig lang ako sa kanya. Nakakatuwa din 'to si Lorraine kapag nagsasalita. Medyo pareho silang magsalita ni Anne Curtis. Medyo maarteng pakinggan or marahil ganon lang talaga siya magsalita.

"I don't know pero naging close kami sa isa't-isa. As in! His nice and smart. "

"Asan na siya ngayon?? " tanong ko sa kanya.

"Well, I don't know kung nasaan na siya ngayon. Maybe umuwi sa kanila. Wala na kong balita after niya umalis ng resort. " sagot niya.

Huminto naman kami ng may makita kaming bench. Naupo kami at nag-umpisa ng maglagay ng sunblock sa buong katawan. Syempre hindi nawala yung kwentuhan.

His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon