Chapter 38 : Bonfire

623 19 5
                                    

Masaya ako na may halong lungkot sa aking puso. Hindi ko alam kong anong mangyayare sa amin matapos ang gabing yun. Ang gabing hindi ko pinagsisihan. Ang gabing nagbigay kulay ng malungkot kong buhay. Ang gabing pumawi ng aking uhaw.

Pabaling-baling ako sa aking higaan. Hindi mapakali dahil sa kaiisip. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na nagawa namin iyon. Ayukong iwasan niya ako. Ayukong mailang siya sa akin. Ayukong mawala siya sa akin ng tuluyan.

Napadako ang aking tingin sa ibabaw ng table malapit sa higaan ko. Makikita roon ang kulay itim na bow tie na bigay sa akin ni Dustin. Muli na namang nanariwa ang mga nangyare kanina pabalik sa resort.

***

Hindi nga ako nagkamali dahil matapos ang gabing iyon na pinagsalohan namin ay ang pagiging cold niya sa akin. Nagising nga ako noon ng wala na siya sa tabi ko. Kinuha ko yung towel at mabilis na inilagay sa aking balikat.

May ngiti pa sa aking mga labi ng lumuwas ako ng kweba.

"Dustin! " tawag ko pa sa kanya at agad na lumingon sa akin pero isang seryusong mukha ang nakita ko. Sobrang seryuso.

"Aalis na tayo. Hinihintay na tayo ni Manong. " seryusong sabi niya saka iniwas ang tingin sa akin.

Nagkakaganyan ba siya dahil sa nangyare?? Gusto kong sabihin sa kanya na 'Wag mo ng isipin iyon. Wala yun. ' pero wala akong lakas ng loob para sabihin iyon.

Tahimik akong umangkas sa motor. Sa balikat na lang ako humawak at hindi na sa gawing tiyan niya. Hindi ko alam kung paano ako mag-uumpisang magsalita. Gusto ko siyang makausap kung bakit??

Bakit??

Hanggang sa makarating kami sa baybayin ay wala pa rin siyang imik. Kinakausap ko siya pero tipid lang ang kanyang sagot na parang hindi interesado sa sinasabi ko.

Okay naman kami kahapon eh. Pero bakit??

Nung nakasakay na kami ay minabuti na lamang niya ang ipikit ang kanyang mga mata na para bang hindi niya ako kasama. Hindi nga niya ako natanong 'Kung okay ba ako. '

Ang cold niya sa akin. Ibang-iba sa pinapakita niya sa akin kahapon.

Tinitigan ko na lamang siya habang nakapikit ang kanyang mga mata.

"Salamat pa rin Dustin dahil pinasaya mo ako kahapon. " sambit ko sa aking isipan.

Nasasaktan ako. Oo. Sobra. Pero wala naman akong karapatan diba?? Ex turn out to Friends. What the----

Nung nakababa na kami ng bangka ay ganon pa rin ang kanyang reaksyon. Hindi niya ako kinakausap na parang may nagawa akong mali.

"Dustin. " tawag ko sa kanya ng humakbang na siya pabalik sa kubo niya. Lumingon naman siya agad at wala akong nakitang kahit anong reaksyon sa kanya. Parang walang nangyare.

"May problema ba?? Kanina ka pa walang imik. " there you go. Nasabi ko din ang dapat kung sabihin. "Kung naguguluhan ka dahil sa nangyare sa atin. Wag kang mag-alala. Wala yun. Pareho naman nating ginusto iyon. " tapos ngumiti ako. Yung hindi pilit na ngiti. Kahit sobrang sakit para sa akin na bitawan ang salitang iyon. Kung yun ang magpapagaan ng kanyang loob. Fine!

"Nabigla lang tayo. Wag ka naman sanang ganyan. Kahapon lang ang saya saya mo tapos ganyan ka na ngayon. " sabi ko na ramdam ko sa aking sarili ang sobrang lungkot na aking nararamdaman.

"Forget it! " deretsong sabi niya sa akin. Nakipagtitigan pa nga siya sa akin bago niya ipasok ang kanyang kamay sa kanyang bulsa. "Kunin mo 'to. "

His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon