•Lala's POV•
Sa bawat oras na lumilipas ay mas lalo akong nababahala. Hindi mapakali. Maging sa pagpikit ng aking mga mata ay patuloy pa rin akong nababagabag. Hindi ko maintindihan. Sobrang pagod na ng aking katawan pero nanatili pa rin akong malakas.
Pagod na pagod na ako.
Sa poong maykapal lang ako kumukuha ng lakas para lumaban. Alam ko diringgin din niya ang mga dasal ko. Gagaling si Demi!
“Lala! ” tawag sa akin ni Ate Lovely pagpasok ko sa loob ng kwarto. Mabilis siyang lumapit sa akin. “Okay ka lang ba?? Maupo ka. ” aya niya sa akin.
Naupo naman ako at pilit na kinakalma ang aking sarili.
“Okay lang ako Ate. Medyo nahihilo lang ako. ” saad ko at hinilot hilot ang aking ulo.
“Magpahinga ka na muna kaya. Ako na muna magbabantay kay Demi. ”
“Ate hindi ako pwedeng magpahinga. Sa bawat oras na nasasayang Ate, kinakabahan ako. Feeling ko anytime kukunin na siya sa atin. ” naramdaman ko ang pagbagsak ng aking luha pero agad ko iyong pinunasan. “Yung taong makakatulong sana sa operasyon siya pa yung walang ginawa! Parang hindi niya anak si Demi! Bakit ang selfish niya! Bakit Ate! ”
“Lala calm down. ”
Hindi ko na napigilan pa at bumuhos na nga aking mga luha.
“Para akong mababaliw. Bakit kinakaya niyang tiisin ang anak niya!? Dahil ba kasalanan ko? Kasalanan ko dahil itinago ko ng matagal ang mga anak niya! Bakit napakaunfair niya ate? ” tanong ko sa kanya.
Niyakap niya ako upang maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Lumalaban lang ako kahit alam kung talo pa rin ako.
“Tahan na. ” alo niya sa akin at pinunasan niya pa ang luha ko. “Gusto kong sabihin sayo na ooperahan na si Demi. Gagaling na siya. ” puno ng sigla niyang sabi.
“Ate ano bang sinasabi mo!? Nagbibiro ka ba! ”
“Hindi Lala. Totoo. May nakita na kaming donor. Gagaling na ang anak mo. ”
“S-sino?? ” tanong ko.
Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko. Nabuhayan ulit ako dahil sa sinabi niya. Tama nga sila may awa ang diyos.
“Hindi na mahalaga iyon kung sino. Ang importante sa ngayon ay ang operasyon ni Demi. ”
Niyakap ko ng mahigpit si Ate dahil naiiyak din siya kahit pa nakangiti ang mga labi niya. Napahagulhol ako ng iyak dahil sa biyayang ito. Sobrang saya ko.
Thank you lord. Thank you.
Matapos nun ay kinausap kami ng doctor regarding sa maagang operasyon ni Demi. Pinaliwanag niya sa amin yung mga pwedeng mangyare once na hindi nag success ang bone narrow transplant. Malakas ang tiwala ko na gagaling ang anak ko.
Ang lapad ng aking ngiti ng ibinalita ko kay Mommy ang mga nangyare. Maging siya ay hindi rin makapaniwala sa mga sinabi ko.
Sobrang bait pa rin ng diyos sa akin kahit pa sobrang maldita ko noon. At doon sa donor, kung sino man siya ay utang ko ang lahat sa kanya. Si God na sana ang bahala sa kanya.
Walang pagsidlan ng kaligayahan ang aking sarili. Ito na ang umpisa ng lahat.
***
Pumasok ako sa loob ng silid ni Demi. Sa loob ng ilang araw at linggo ay ang silid na ito ang naging tahanan niya. Nakakalakad naman siya kaya lang madalas naka wheelchair. Madali kasi siyang mapagod. Gustong gusto na niyang umuwi ng mansyon at mag-aral. Pero nagpasya kaming sa ospital na lang mag stay just in case kailangan ng isang doctor ni Demi. Paminsan minsan naglalaro naman sila ni Demo kaya lang ilang minuto lang dahil hinihingal na agad si Demi.
BINABASA MO ANG
His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)
Teen FictionNapaglaruan ka na ba sa pag-ibig o mahilig kang maglaro ng damdamin ng iba ?? Ito ang huling bahagi ng kwento ng taong laro lang ang gusto. Hanggang saan sila dadalhin ng tinatawag nilang kapalaran.