Kung may isang bagay man ako na kinatatakutan yun ay ang mawala sa akin ang mga anak ko. Alam ko malaki ang pagkukulang ko sa kanila. Pero pinaparamdam ko naman sa kanila kung gaano ko kamahal ang mga anak ko. Sila ang kayaman ko. Sila at wala ng hihigit pa.
Hindi ako makakapayag na kunin ni Dustin ang custody ng mga bata. Ako lang ang may karapatan sa mga anak ko. Hindi ako makakapayag. Hindi.
Kasabay ng paghakbang ko ay ang paglakas ng kaba sa aking dibdib. Gusto ko na agad makita si Demi. Dumeretso na kasi agad ako sa hospital pagkagaling ko ng airport. Sobrang lakas kasi ng kaba ko.
Napapalingon ako sa bawat taong nakakasalubong ko. Ito ang lugar na ayaw na ayaw kung puntahan. Ayuko sa hospital. Ayukong makakitang maraming pasyente ang naghihirap dahil sa ibat ibang sakit. Tapos ngayon, nandito ako dahil sa anak ko.
Halos walang tigil ang paglakas ng aking kaba. Feeling ko nga hindi na ako makakahinga dahil sa pagmamadali. Gusto ko ng malaman ang kalagayan ni Demi.
Napahinto pa ako sa paglalakad ng may nakasalubong akong mga nurse at nagmamadali patungo sa emergency room.
"Diyos ko wag niyo po sanang pababayaan si Demi. " ang sambit ko sa aking isipan at sinundan ng tingin ang mga nurse na nagmamadali.
Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob ng elevator. Nasa gawing third floor kasi ang room ni Demi gawing right side unang pinto.
Ibat ibang scenario at nakakaawang tao ang nakikita ko. May maykaya sa buhay na nagdurusa sa sakit ang kanilang mga mahal sa buhay. Isa itong private hospital at kilala dito sa bansa. Mostly mga maykaya at politician ang mga naaadmit sa hospital na ito.
Wala akong makitang saya sa kanilang mga mukha kundi puro lungkot at pagod.
"Sana gumaling sila. "
Nang marating ko ang ikatlong palapag ay mabilis kung hinanap ang kwarto ni Demi. Excited ako na kinakabahan.
Nung umalis ako masigla pa si Demi. In fact, sinamahan niya pa nga akong ihatid sa airport noon tapos ngayon pagbalik ko ganito na ang kalagayan niya.
Hays.
Wala akong inaksayang sandali. Dahan dahan kung binuksan ang pinto ng kwarto. Nagulat ako at namangha sa nakita ko. Ang lawak ng kwarto na parang isang bahay. May living room sa labas habang sa kanan ay ang sariling CR ng kwarto. Wala lang kitchen at dining area.
Napadako ang aking tingin kay Ate na nakaupo sa sofa habang nakapikit ang kanyang mga mata.
"Ate.... Ate Lovely. " sabi ko sa kanya at naalimpungatan naman siya kaya idinilat niya ang kanyang mga mata.
"Lala. "
"Si Demi?? " tanong ko agad sa kanya.
Niyakap niya ako ng mahigpit dahilan para kabahan ako.
"Nasaan si Demi?? Kumusta ang kalagayan niya?? Is she okay?? " sunod sunod kung tanong.
Tumingin siya sa akin at nakipagsabayan ako. Alam ko kung gaano kalakas ang kaba sa aking dibdib.
"She's okay now. " tugon niya. Nakahinga naman ako kahit paano ng maluwag. "I'm sorry kung hindi ko siya naalagaan. "
"Gusto ko siyang makita. Dalhin mo ko sa anak ko Ate. " sabi ko sa kanya.
Tiningnan niya muna ako ng malalim bago ayusin ang kanyang sarili.
Tumayo siya at sumunod ako sa kanya. Nasa loob pa rin kami ng kwartong pinasukan ko. Sa gawing gilid ay makikita pa ang isang pinto habang may glass window naman sa gitna. Isang hospital room ng pasyente. Halos manlambot ako ng makita ko si Demi na nakahiga habang may mga nakakabit na mga hose sa kanyang katawan.
BINABASA MO ANG
His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)
Genç KurguNapaglaruan ka na ba sa pag-ibig o mahilig kang maglaro ng damdamin ng iba ?? Ito ang huling bahagi ng kwento ng taong laro lang ang gusto. Hanggang saan sila dadalhin ng tinatawag nilang kapalaran.