Chapter 7 : Truth Hurts

1K 30 1
                                    

Hays.

Akala ko, matatakasan ko na si Dustin sa buong buhay ko pero----- Geez! Why ?? Bakit ?? Bakit muli na naman kaming pinagtagpo ??

What does it mean ??

Tadhana naman oh! Wag naman kayong ganyan! Ayuko ng masaktan pa. Ayuko ng maalala ang sakit na ginawa niya sa akin noon. Nabuhay ako ng mahabang panahon na wala siya. Pero bakit ??

Hays.

Ano ng gagawin ko ?? Ano ??

Nakakainis lang kasi! Hindi ako makawala sa kanya. Kanina panay buntot sa akin. Syempre pinakilala ko naman siya sa mga employees ko. TSS! Tudo ngiti naman ang gago!

Alam niyo yung feeling na, pinapakilala mo siya sa lahat tapos siya sa akin lang nakatingin!? Ganon na ganon ang ginawa niya sa akin kanina. Nagtitimpi lang talaga ako at masasampolan ko na talaga siya. At ang malupit pa sa lahat ng ginawa niya, isinama ko siya kanina para sa executive meeting. Nagsasalita ako at nag-iexplain ng bigla siyang umepal habang may sinasabi ako.

TSS! Nakakakulo ng dugo! Wala siyang permission na magsalita unless kinakausap ko siya. And to think! Nasa meeting kami ng executive tapos binastos niya ako! Hindi ko 'to mapapalampas!

Ang daming nangyare sa araw na 'to at meron pa akong tatlong oras para makita ang pagmumukha ng gagong yun! Sana naman ngayon, hindi ko na siya makita! Si Beki na ang bahala sa kanya.

Gusto ko ng peace of mind. Please lang!

Lumabas ako mula sa loob ng elevator at tuloy tuloy na naglakad patungo sa canteen. First time kung kakain ngayon. Hindi kasi ako nakapagpadeliver kanina kaya sa canteen ang bagsak ko. Don't worry may sarili naman akong table dun, kaya hindi ko makakatabi ang mga hampas-lupang empleyado ko.

Bigla namang tumahimik sa loob ng pumasok ako. Parang dinaanan ng bagyo ang bawat isa sa kanila. Walang nagtangkang magtawanan o ano pa man. Lahat sila tahimik, kumakain habang nakayuko.

Napangiti tuloy ako sa aking isipan.

Umorder ako sa canteen at mabilis naman nila akong nabigyan. May sarili akong plate at gamit sa pagkain na talagang inilaan sa akin ng canteen.

Subukan lang nilang labagin ang utos ko at makikita nila ang hinahanap nila.

Nakakagutom ang araw na 'to. Natatakam na ako sa pagkaing nasa harapan ko.

Hindi pa man ako nakakain ng may biglang umupo sa harapan ko. Dahan-dahan ko namang iniangat ang aking mukha. Partida nakataas pa ang mga kilay ko. And to my surprised mas lalong nag-init ang mukha ko.

"Sino nagsabi sayo na pwede mo kong sabayan hanggang dito !? " pagtataray ko. Syempre tinginan naman ang mga hampas-lupang empleyado ko.

"I'm sorry. Nagugutom na din kasi ako. Mind if I joined you. " sabi pa niya.

"You know what Mr. Gohil! Alam mo ba yung salitang PEACE OF MIND!? UTANG NA LOOB! Kanina mo pa ako binuboyset! " iritang sabi ko.

"Lala------ "

"Don't you dare to call me in my name! Baka nakakalimutan mong ako ang manager ng clothing line! " pagtataray ko.

His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon