Dustin's POV
Ano ba talaga ang dapat kung gawin?? Ipaglaban ko ba ang pagmamahal ko para kay Lala o sundin ang nakatakda para sa akin.
Ayukong makita si Lala na umiiyak at nasasaktan ng dahil sa akin pero wala pa rin akong nagawa dahil pinaiyak at sinaktan ko siya.
Ang daya naman kasi. Kung kailan tanggap ko na ang lahat saka naman niya sasabihin sa akin na mahal niya ako! Bakit hindi niya sinabi sa akin noong panahong lumalaban ako para sa aming dalawa. Bakit hindi nung mga panahong pilit kung pinagsisigawan sa kanya kung gaano ko siya kamahal.
Aaminin ko sobrang hirap ng aking sitwasyon ngayon. Ayukong makasakit kahit mahirap ginagawa ko kung anong nararapat. Ayukong maging selfish ngayon lalo na at may kinalaman ang pagpapakasal ko sa negosyo. Ako na lang ang tanging susi para sa problema ng kumpanya.
Ayukong mawala ang pinaghirapan ng mga magulang ko kaya hanggat maari. Kung ito yung tanging paraan, gagawin ko.
Nakatulala lang ako habang nakaupo sa may couch ng kubo. Para akong nakatitig sa kawalan habang ang utak ko patuloy na nagffunction. Gumagawa ng sariling mundo. Mundo na kasama ko si Lala at hindi si Margaret. Kahit man lang sa isip ko ay makasama ko siya.
Problema ko pa ngayon kung paano ko makakausap si Lala. Alam kung galit siya sa akin. Marahil kinamumuhian na naman niya ako.
Hays.
'Ang tanga tanga ko! ' paulit-ulit kung tugon sa aking sarili habang sinasampal ang aking mukha.
Ayukong iwanan si Lala ng hindi kami okay. Ayukong ako na naman ang dahilan ng kanyang kalungkotan. Ayuko.
She's right! Mahal ko naman talaga siya pero kailangan kung itanggi iyon. Kailangan kong ipakita sa kanya na para bang wala akong pakialam sa kanya pero deep inside sobrang hirap ng ginagawa ko. Sobrang hirap magkunwaring wala kang pakialam pero affected ako kapag nasasaktan ko siya.
Muli kung sinampal ang aking mukha. Napadako ang aking tingin sa luggage bag na dala ko. Bukas na pala ang alis ko. Lalayo na naman ako.
Hays.
Napabuntong hininga na lamang ako upang sa ganoon ay gumaan ng kahit konti ang pakiramdam ko.
Napukaw ang aking atensyon sa mahihinang katok mula sa pinto. Naglakad ako na parang nasa ulap na lutang ang aking isipan. I know its Raffy pero nung buksan ko ang pinto hindi si Raffy ang nakita ko kundi si Lorraine.
"Lorraine. " takang sabi ko. Nakipagsabayan siya sa mga tingin ko na para bang binabasa niya kung ano ang nasa isip ko.
"Pwede ba tayong mag-usap Dustin?? " tugon niya.
"Sige. Wala naman akong ginagawa. " sabi ko pa at agad na pinapasok siya loob.
Naupo naman siya sa may couch kung saan ako nakaupo kanina. Kumuha ako ng maiinom sa fridge at agad na bumalik sa kanya. Natanong ko din sa aking isipan kung anong pag-uusapan namin.
"Here. " sabi ko ng iabot ko ang juice sa kanya.
"Thanks. " sabi pa niya bago iikot ang kanyang tingin sa loob. "So totoo nga. Aalis ka na pala. "
"Oo. Tomorrow. " sabi ko. Tumango-tango naman siya pero yung mga tingin niya alam kung may importante siyang sasabihin.
"Ayuko sanang makialam sa inyo ni Lala Dustin. Pero sobra na eh. Sobra na yung sakit na ginagawa mo kay Lala! Naiisip mo ba sa tuwing umiiyak si Lala ng dahil sa iyo! Akala ko pa naman magiging okay na kayo. Pero sa pinapakita mo, mas lalo mong sinasaktan si Lala. "
BINABASA MO ANG
His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)
Teen FictionNapaglaruan ka na ba sa pag-ibig o mahilig kang maglaro ng damdamin ng iba ?? Ito ang huling bahagi ng kwento ng taong laro lang ang gusto. Hanggang saan sila dadalhin ng tinatawag nilang kapalaran.