Halos manlaki ang aking mga mata ng ibaba niya ang hoodie ng suot niyang jacket.
"Dustin?? " halos hindi ako makapaniwala na dinukot niya ako. "Pakawalan mo ko!!! Help!!! Tulong!! Tulungan niyo ako!!! Ibaba mo ko!! " sigaw ko sa loob at pinaghahampas ko siya.
"Pag hindi mo tinigilan yan baka mabunggo tayo. " kalmado niyang sabi.
"Talagang mabubunggo tayo kapag hindi mo hininto ang sasakyan. " hesterikal ko pa ring sabi.
What the heck! Ano bang nasa utak ni Dustin at ginawa niya sa akin 'to.
"Pwede kitang kasuhan ng kidnapping! Rape! Abusive against women! Pananakit! Ano hindi mo pa rin ba ako ibaba!? " sabi ko at kasunod nun ang paghampas ko sa kanya. Hindi ako titigil hanggat hindi niya hinihinto ang sasakyan. Makikita niya.
"Hey stop! Mababangga tayo. " saway niya sa akin.
Masama ang mga tingin ko sa kanya na kulang na lang ay kainin ko siya ng buhay.
"Ano ba kasing pumasok sa utak mo at kinidnap mo ko! Ibaba mo ko Dustin! Ibaba mo ko! " gigil kong sabi.
"Hindi kita kinidnap okay!? "
"At anong tawag mo sa ginawa mo! Kinuha. Sinama. Ninakaw. Dinukot. Itinakas. Ano pa man ang tawag diyan. It's a form of kidnapping pa rin! Kaya ibaba mo na ako bago pa dumilim ang paningin ko at kung ano pa ang magawa ko sayo. " iritang sabi ko.
"Pwede ba tumahimik ka na lang! "
"And who are you para utusan akong manahimik! Kidnapper ka diba!? Tulong!!! Help!!! " sigaw ko habang pinaghahampas yung mirror window ng sasakyan.
Hays. Kainis!
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo. Hindi ako kidnapper. In fact, formal kitang pinaalam kay Madam. "
"What!? " kumunot bigla ang aking noo ng tumingin ako sa kanya. "You mean, alam ni Mommy ang pangingidnap mo sa akin!? Sumagot ka! "
Dahan dahan siyang tumango na parang aso bago ituon ang atensyon sa pagmamaneho.
"Hindi mo ba alam na halos mamatay na ako kanina sa sobrang takot. Nung hinila mo ko papasok sa loob ng sasakyan. Hindi mo ba naisip yung takot na mararamdaman ko! " inis kong sabi.
Nakakainis naman talaga. Nakakainis!
"I'm sorry. Yun lang ang naisip kong paraan para sumama ka sa akin. "
"Your crazy Dustin! Siguro ikaw ang mas kailangan magpatingin sa psychiatric at hindi ako. Masyado ka ng baliw mag-isip and to think na kinasabwat mo pa si Mommy! Kailan mo ba ako tatantanan ha! " gigil ko pa ring sabi.
Gusto kong magwala! Sumigaw! Suntukin at sampalin si Dustin pero diko kaya. Naiinis ako ng sobra.
"I'm sorry okay. I'm sorry. "
"Ewan ko sayo! " sagot ko at ibinaling ko na lamang ang aking tingin sa malayo.
Hindi rin naman niya ako pakikinggan at wala na rin akong magagawa dahil wala siyang plano na ihinto ang sasakyan at pakawalan ako.
Makikita mo Dustin pag nakatakas ako. Ipapakulong kita at sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan.
Nanahimik na lang ako habang siya panay sulyap sa akin. Sana makonsensiya siya sa ginawa niya sa akin.
"Wag kang mag-alala. Gusto lang kitang makasama bago ako ikasal. Bago ako lumayo ng tuluyan sayo. " malungkot niyang sabi na siyang nagpakirot ng aking puso.
BINABASA MO ANG
His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)
Teen FictionNapaglaruan ka na ba sa pag-ibig o mahilig kang maglaro ng damdamin ng iba ?? Ito ang huling bahagi ng kwento ng taong laro lang ang gusto. Hanggang saan sila dadalhin ng tinatawag nilang kapalaran.