Chapter 36 : Miss Beautiful

632 19 3
                                    

Ginawa kong abala ang aking sarili upang sa ganon ay malibang ako. Nagpasya na nga akong bumalik na ng Maynila pero pinigilan ako ni Lorraine. Sulitin ko na lang daw ang mga araw na natitira sa bakasyon ko. Isang linggo na lang din naman kaya di na ako tumuloy na umalis.

Okay naman kami ni Dustin kahit paano kinakausap niya pa rin ako simula nung breakfast naming dalawa. In fact, sinama niya ako sa mga tour niya dito sa lugar like zipline, kayaking at motor mud. Sobrang saya ko nun kahit minsan nalulungkot ako pero sa tuwing kasama ko siya ay memorable ang lahat. Gusto kong maging masaya sa huling pagkakataon.

Dalawang linggo mula ngayon ay tuluyan na ngang ikakasal si Dustin. Wala akong magawa kundi ang maging masaya. Yun lang naman eh. Maging masaya.

Kung pwede nga lang na itigil ang takbo ng oras para di na matuloy ang kasal ginawa ko na. Pero wala namang ganon eh. Mangyayare at mangyayare pa rin.

Huminga ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa loob ng bar. Gaya ng nakasanayan, wala pang tao sa loob ng bar dahil umaga pa lang. Sinadya ko talaga ang lugar na ito para may makausap ako. Si Raffy.

Gusto kong malaman ang lahat ng dahilan kung bakit ginawa nila iyon sa akin. Although sobrang tagal na pero kailangan ko pa ding malaman.

Pinagmasdan ko ng maigi ang loob ng bar. Sobrang tahimik sa umaga pero wild sa gabi. Ngayon ko lang din napansin ang kakaibang desinyo ng bar. Parang Hawaiian Inspired. Demeretso ako sa may counter area kahit wala namang tao doon.

"Lala?? "

Dahan dahan akong lumingon kung saan nagmula ang boses na iyon. Naging kalmado akong tumingin sa kanya. Kung ako lang yung Lalang maldita noon baka kanina ko pa nasampal si Raffy.

"Pwede ba kitang makausap?? " tanong ko.

"What do you want?? Coffee?? Tea?? O beer?? " instead na sagutin ako ay tinanong niya ako.

"Pwede ba kitang makausap?? " tanong ko na may halong inis sa boses ko. Ramdam ko ang kaba sa dibdib niya. Marahil alam niya kung gaano kabigat ang kasalanan niya sa akin.

Nakipagsabayan ako sa mga titig niya hanggang sa tumango siya bilang sang-ayon.

Niyaya niya akong lumabas at naglakad patungo sa cottage. Naupo ako kaharap niya at wala na akong inaksayang panahon kundi ang kausapin siya.

"Kumusta ka na?? Matagal tagal din ng hindi tayo nagkita. " tanong ko sa kanya habang nakatingin sa kanya.

"Okay naman. I already married. "

"Good. Sana hindi ka dinadalaw ng konsensya mo sa ginawa niyo sa akin noon. " deretsong tugon ko tapos ngumiti ako ng pilit. Pansin ko ang pagbagsak ng pawis sa kanyang noo. Napaismid pa lalo ako ng ngiti.

"I'm sorry Lala. Patawarin mo sana ako. Wala namang kasalanan si Dustin sa mga nangyare. Kasalanan namin ni Gary dahil ikaw yung napili naming pagpustahan. "

"Tapos ka na?? " taas kilay kong sabi. "Ano pa nga bang magagawa ko, ginawa niyo na diba?? "

"Mahal na mahal ka ni Dustin, Lala. Sa bawat oras, araw, taon ang lumipas ay lagi ka niyang hinahanap. Wala siyang minahal kundi ikaw lang. " seryuso niyang sabi sa akin.

"Bakit mo ba ito sinasabi sa akin?? " kalmadong sabi ko. Ayukong mapansin niya na may pakialam ako sa mga sinasabi niya.

"Kaibigan ako ni Dustin at wala akong ibang hinahangad kundi ang makitang masaya ang kaibigan ko. " seryusong sabi niya habang nakatingin sa akin.

Gusto kong lawakan ang aking pang-unawa. Gusto kong intindihin ang ibig niya pero naguguluhan ako.

"Raffy ano bang pinagsasabi mo! Masaya na si Dustin. Wag mo naman sanang lituin ang aking isipan. Wag mo naman sana akong pahirapan. " tugon ko.

His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon