Inhale. Exhale.
Kailangan positive ako ngayong araw. No stress. No pain. Kailangan positive lang.
Nabasa ko kasi sa horoscope ko na kailangan kung i-absorb ang mga positive energy para daw maging madali ang pagpasok ng pera sa kumpanya. Ako yung tipo ng tao na hindi naniniwala sa mga horoscope horoscope na yan pero dahil maganda ang gising ko kaya susubukan ko. Susubukan ko ulit maging mabait.
"Good Morning. " bati ko sa bawat empleyado na nakakasalubong ko. Puno naman ng mga pagtatakang tanong ang kanilang isipan. Usually, hindi naman talaga ako bumabati sa kanila ng ganito kaya siguro nagtataka sila.
Ngumiti na lang ako.
"Good morning. " bati ko ulit ng may madaanan ako sa hallway. Ngumiti naman sila ng pilit ng may pagtataka sa kanilang isipan.
"Anong meron ?? "
"Himala mabait ngayon ang demonyita. Magpapamesa ako mamaya. "
Gusto ko sanang magmaldita dahil sa mga naririnig ko mula sa ilang empleyado pero hindi ko na lang sila pinansin. Ayukong masira ang araw ko. I need peace of mind. Positive lang at dapat goodvibes.
Tuloy-tuloy akong pumasok sa loob ng aking opisina. Binati ko naman agad si Beki ng madatnan ko sa loob. Nakangiti pa nga ako at gaya ng iba ay puno rin ng pagtataka ang kanyang mukha.
"Anong meron at ang bait mo yata ngayon. " sabi pa niya.
"Wala lang. Hindi ba bagay sa akin na maging mabait ?? " nakangiting sabi ko.
"Hindi naman. Nakakapanibago lang Ms. Lala. Kasi usually kapag umaga salubong na agad yang-------- "
"Gusto ko ng positive energy ngayon kaya wag mo kung iinisin Beki. So let's workkk?? " masayang sabi ko habang nakangiti.
"Ay bongga. Gusto ko yan. You want coffee ?? Juice ?? Bread ?? "
"No thanks Beki. Dahil mabait ako ngayon magpapaburger ako mamaya. " sabi ko saka naupo sa aking table at agad na kinalikot ang laptop sa harap ko.
Si Beki naman ay naupo na din sa kanyang table at inayos ang dapat ayosin.
"Beki, si Sir Dustin mo ?? " tanong ko.
"Ay hinahanap niyo po si Sir Dustin ?? "
"Beki---- " sabi ko in a sweet voice pero ang totoo may halong inis na yun. Hindi ako pwedeng magalit ngayon.
"Ah. Nasa lobby na daw po. " mabilis niyang sagot.
"Okay. " sagot ko naman saka muling ibinalik ang aking atensyon sa aking ginagawa.
BINABASA MO ANG
His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)
Teen FictionNapaglaruan ka na ba sa pag-ibig o mahilig kang maglaro ng damdamin ng iba ?? Ito ang huling bahagi ng kwento ng taong laro lang ang gusto. Hanggang saan sila dadalhin ng tinatawag nilang kapalaran.