Chapter 40 : The Invitation

732 15 9
                                    

Lala's POV

Ako na siguro ang pinakamahinang babae ngayon. Ako na ang babaeng walang ginawa kundi ang umiyak.

Sana hindi na lang ako naging kabait. Dapat kinatawanan ko na lang ang pagiging maldita. Hindi ko na sana mararanas ang umiyak at magmakaawa para lang sa pag-ibig.

Durog na durog na ko. Babalik ako ng Maynila na puro lungkot ang nasa puso ko. Akala ko pa naman matutulungan ako ng lugar na ito para makalikot at lumimot.

"Tahan na Lala. " pag-alo sa akin ni Lorraine.

Nadatnan niya kasi akong umiiyak at umiinom pa rin ng alak. Gusto kong magpakalunod ngayon. Gusto kong makalimot.

"Ano ba ang kulit mo naman! Sinabing gusto kong makatulog. " sabi ko sa kanya ng kunin niya ang boteng hawak ko.

"Akin na yan. Magpahinga ka na. Tingnan mo nga yang sarili mo. " saway niya sa akin at kinuha na nga niya ng tuluyan ang boteng hawak ko. "Si Dustin ba?? Siya ba ang dahilan kaya ka nagkakaganyan!? " seryusong tanong niya sa akin. Tumahimik ako habang nakatingin siya sa akin.

"Bakit ang hirap lumaban?? Kulang pa ba ang sakit na nararamdaman ko ngayon?? Kulang pa ba!? Kulang pa ba!! Sabihin mo sa akin Lorraine!! Wala ba akong karapatang maging ganito!? Nasasaktan ako ng hindi niya nakikita. Ang hirap maging tanga sa harapan niya. " umiiyak kong sabi habang nakahiga sa aking higaan. Nakatingin lang ako sa kisame habang siya ay nakatingin naman sa akin. "Alam mo ba kung gaano kasakit na marinig sa kanya na hindi niya ako mahal! Alam mo ba iyon!? "

"Lala, Oo naiintindihan kita pero hindi naman tama na ganyanin mo ang sarili mo! Kung ayaw na niya, wala na tayong magagawa. "

Hinayaan ko na lang na dumaloy ang aking mga luha.

Kung nakinig lang sana ako sa sinasabi ng utak ko hindi na sana ako magiging ganito. Hindi na sana ako nasaktan pa.

Natahimik ako na parang may sariling mundo. Na parang hindi ko nakikita si Lorraine habang may luhang naglalandas sa aking mga mata. Sobra na. Masyado ko ng pinapatay ang aking sarili.

"Nasabi mo na ba sa kanya na may anak kayo?? " seryusong tanong niya sa akin kaya ibinaling ko ang aking tingin sa kanya.

"Hindi na kailangan pa. Ayuko na siyang guluhin. "

"Ano!? Lala naman! Ayaw mo bang makilala ng mga anak mo kung sino ang Daddy nila!? Gusto mo ba iyon!? "

"Hindi ko alam Lorraine basta ang alam ko. Ayuko na. " tugon ko sa kanya habang nakakunot naman ang kanyang noo.

"Kung hindi mo kayang sabihin sa kanya. Ako ang magsasabi sa kanya! "

"Lorraine please! " mabilis akong napabangon at hinawakan siya sa kanyang braso. "No. " sabay iling ko pa at puno ng pagsusumamo.

Nakipagsabayan siya sa mga titig ko na wari ba ay binabasa niya ang aking isip.

"I'm sorry. Ayukong nakikita kang ganyan. " sabay tulak niya sa akin sa higaan.

"Lorraine! " tawag ko pa pero hindi niya ako nilingon. Instead dali dali siyang lumabas ng kubo para puntahan si Dustin.

Gusto kung sumunod sa kanya upang pigilan ito pero sa pagbangon ko ang pagkahilo ko at tuluyan na nga akong nagsuka sa lapag. Sobrang umiikot ang aking paningin. Para akong dinuduyan sa sakit.

Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata. Gusto kong lumaya ngayon kahit alam kung paggising ko ay tuluyan na nga siyang aalis bukas.

Sa aking pagpikit ay unti unti namang pag flashback ng mga nangyare sa amin ni Dustin. Yung mga ginawa niya ay unti unti kung naaalala hanggang sa magkasama kami dito sa resort.

His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon