Kailan ko ba masasabing tama na?? Kailangan ko ba talagang itanong sa aking sarili kung tama na?? Ayuko! Maraming rason para lumaban. Maraming dahilan para manatiling matibay. Mapapagod lang ako pero hindi susuko.
Sobrang bigat ng aking katawan pero wala akong karapatan na magreklamo. Wala akong karapatan na sumuko lalo na at lumalaban ang anak ko na gumaling.
Alam kong gagaling si Demi.
Hays.
Hindi ko alam kung bakit dinala ako ng aking mga paa sa lugar na hindi pamilyar sa akin. Wala na akong choice. Ito na lang ang paraan. Kailangan ko siyang makausap ngayon.
Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob ng isang malaking kumpanya. Ang kumpanyang ito ang isa sa pinakamalaki at pinakasuccessful na kumpanya sa Pilipinas. At ang namamahala nito ay walang iba kundi ang ama ng aking mga anak. Si Dustin.
"Yes ma'am?? May I help you?? " tanong sa akin nung clerk na nasa front desk ng reception.
Tinitigan niya ako ng maigi na wari ba ay inaalala kung nakita na niya ako.
"I'm looking for Mr. Dustin Gohil. "
"Do you have an appointment with Mr. Gohil Ma'am?? " tanong niya ulit sa akin.Umiling ako. "What's your name?? "
'I'm the mother of his child' "Lala Chen. " tugon ko tapos pinindot niya yung phone para kausapin si Dustin.
Sobrang lakas ng aking kaba na para bang sasabog. Dagdag pa ang pangangatog ng aking tuhod. Paano ko ba haharapin ngayon si Dustin. After the revelation na ginawa ko hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko.
Hays.
Sinabi sa akin nung clerk na mag-antay lang ako ng ilang minuto dahil nasa meeting pa ito. Tahimik akong tumango at naupo sa waiting area.
Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang lahat ng nakikita ko. Yung mga taong dumadaan sa harapan ko tila ba ay hindi ko iyon nakikita. Nakatulala at malalim ang takbo ng aking isipan.
***
"Jesus!! Napakabata pa niya. " gulat na sabi Mommy matapos ipaliwanag ng doctor ang condition ni Demi.
"Ano ng gagawin natin ngayon?? " tanong ko.
"Tatawagan ko yung mga kaibigan kung doctor para makahingi ng tulong. Baka sakali makahanap tayo ng kamatch ni Demi. " suhesyon ni Ate Lovely.
"Salamat Ate. " tugon ko.
"Tutulong din ako. Wag lang tayong susuko at mawalan ng pag-asa. " dagdag naman ni Cris.
Ewan ko ba pero naramdaman ko na hindi lang pala ako nag-iisa. Maging sila ay nag-aalala din.
"Demi ayuko sanang itanong ito sayo. " napatitig ako kay Mommy at maging sila Ate Lovely at Cris. "Sino ba ang ama ng mga bata?? " halos manlaki ang aking mga mata sa tanong ni Mommy. Siya lang ang hindi nakakaalam kung sino ang ama ng kambal. Nagkatitigan kami nila Cris at Ate Lovely.
"......May hindi ba ako alam?? " takang tanong ni Mommy.
Huminga ako ng malalim dahil hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas ng loob.
"Lala. " sabay tango ni Ate ng tumingin ako sa kanya. Meaning to say this is the right time para ipaalam kay Mommy ang tungkol sa ama ng dalawa.
"Si Dustin Mommy. "
"What!? How?? Bakit dimo sinabi?? Lala!? " nalilito niyang sabi.
BINABASA MO ANG
His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)
Fiksi RemajaNapaglaruan ka na ba sa pag-ibig o mahilig kang maglaro ng damdamin ng iba ?? Ito ang huling bahagi ng kwento ng taong laro lang ang gusto. Hanggang saan sila dadalhin ng tinatawag nilang kapalaran.