Chapter 14 : Chocolates

728 30 4
                                    

Sobrang lamig naman ngayon. Magsusummer pa lang dito sa Pinas pero ang lamig lamig pa din.

Muntik pa akong maabutan ng ulan kanina pag-alis ko ng unit ko. Kailangan ko pa ring pumasok ng umaga baka makarinig pa ako ng mga bad comments sa board lalo na kay Dustin.

Ilag pa rin ako sa kanya.

Huminga ako ng malalim bago tanggalin ang seatbelt sa katawan ko. Kakarating ko lang kasi at buti naman ay tumila na ang ulan. May kunting ambot pero okay na.

Napadako ang aking tingin sa braso ko ng mapansin ko ang sugat sa balat ko.

Sheet! Naalala ko yung nangyare kagabi. Nakalmot pala ako ng babaeng yun.

Hays.

Ito ang napapala sa pagmamaldita ko. Akala ko okay lang pero iba na nga pala ang panahon ngayon lahat palaban unlike before na kapag sinampolan ko talagang titiklop ang mga dila nila.

Malaking iskandalo ang ginawa ko pag nagkataon. Sasabihin ng ilan, na yung manager ng Chen Clothing Line ay isang basagolera.

Hays.

Kinuha ko na lang yung coat sa backseat at isinuot ito. Ayukong makita nila ang kalmot sa braso ko lalo na ang mga staff sa kumpanya.

Dahan dahan akong bumaba bitbit ang mamahaling kong bag at tuloy tuloy na pumasok sa loob. Binati naman ako ng guard at maging ang mga staff sa loob. Hindi ko naman sila tinuonan ng kahit konting sulyap bagkos nakataas pa ang aking kilay at tuloy tuloy na naglakad patungo sa elevator.

Ayukong maghigpit ngayon dahil masakit ang ulo ko. Marahil napasobra ang inom ko kagabi.

And speaking of Lora??

Bigla na lang siyang nawala at hindi man lang ako tinulungan. Maldita talaga! Gusto yatang mabangasan ang mukha ko. Buti na lang talaga at dumating si Cris.

"Ms. Lala ang aga mo ata ngayon?? " bati agad sa akin ni Beki ng makapasok ako sa loob ng office.

"Wag mo kung kausapin pagod ako. " I said without looking at him. Ayukong masira ang araw ko dahil sa kanya.

"Taray anong meron?! " dagdag pa niya dahilan para huminto ako at lumingon sa kanya.

Tiningnan ko naman siya ng nakakatakot na tingin sabay taas ng aking kilay. Tumikom naman agad siya at ginawang busy ang kanyang sarili.

"Sabi ko nga. " sabi pa niya at umaktong abala sa pagliligpit ng mga folders sa table niya.

Napadako naman ang tingin ko sa table ni Dustin. And Jesus! Wala pa siya.

"His late again. " inis kung sabi sabay upo sa table ko.

"Si Sir Dustin po Ms. Lala. Hindi po siya late nasa rooftop siya ngayon. " depensa ni Beki na mahilig talagang sumingit.

"At anong ginagawa niya sa rooftop?? " pataray kung tanong.

"Ewan. " kibit-balikat niyang tugon.

"Beki! Next time pag magbibigay ka ng details dapat kumpleto. Hindi yung laging bitin. Walang kulang dapat sakto. Did you undestand me!? " mataray kung sabi.

"Yes Ms. Lala. "

"Timpla mo ko ng kape. Less sugar. Ayuko din ng cream. " sabi ko pa bago ko buksan ang laptop ko.

Work na naman.

Naiwan ako sa loob ng office dahil lumabas na si Beki upang ipagtimpla ako ng kape sa pantry area. Ginawa ko namang abala ang aking sarili. Napatigil lang ako sa aking ginagawa ng mapansin ko ang isang bagay na nasa table ko.

His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon