Sunod-sunod na busina ang ginawa ko.
Hays.
Paano ba naman, ngayon pa ako naipit sa traffic. Patay talaga ako nito. Kakaimbyerna naman kasi kong bakit ba naman hindi nakipagcooperate ang traffic ngayon araw.
Hays.
I'm so super duper late!
Inagahan ko na nga ng 20 minutes yung alis ko sa bahay tapos maiipit lang ako.
Nakakapanggigil! Parang gusto ko tuloy magtaas ng kilay ngayon! Nakakainis! Masisira pa yata ang makeup ng isang magandang kagaya ko.
Hays.
Walang kamatayang traffic! Kailan mo ba kami lulubayan.
Pinindot ko ng pinindot yung busina ng sasakyan ko. Wala akong pakialam kong mabasag ang mga eardrums nila. TSS!
First day ko ngayon pero late! I'm sure sesermunan na naman ako ni Mommy.
I need to be professional pero ngayon pa lang nakagawa na ako ng violations.
Whatever! Soon ako na rin naman ang magmamanage ng clothing line at sisiguraduhin kong magiging isa itong matagumpay na business sa buong mundo.
Napapangiti na lang tuloy ako. Yung famous smile ng isang maldita.
Pag ganitong traffic parang gusto kong palabasin ang sungay at buntot ko. Parang---- parang gusto kong sumampol ngayon.
Later na lang. Wala akong makitang nilalang ngayon.
***
Dali-dali akong bumaba ng sasakyan. Almost one hour na akong late at kanina pa tumatawag si Mommy para sa company tour.
Hays. Be patience Lala.
Inhale. Exhale.
Smile.
Inumpisahan ko ng maglakad papasok ng company. Sa labas pa lang mapapansin na agad ang isang napakagandang modelo. Suot-suot ang two-piece bikini.
Yah. Underwear garments kasi ang negosyo ni Mommy at soon ako na ang susunod na magmamanage nito.
"Ma'am Excuse me. " pagharang sa akin ng guard sa company.
Bastos 'to. Papasok na ako sa loob ng harangin ako.
Hindi ba niya ako kilala ??
"Yes ?? " pagmamaganda ko.
"Check ko lang po yung bag niyo Ma'am. " magalang na tugon niya.
Ngumiti naman ako ng malapad na siyang pinagtaka niya saka ko itinaas ang isang kilay ko.
"Hindi mo ba ako kilala ?! O gusto mong ipakilala ko ang sarili ko ?! " mataray kong sabi saka ko siya tiningnan ng nakakaluka.
Ayuko sanang magmaldita kaso binigyan niya ako ng reason para sampulan siya. I'll make sure na hinding-hindi niya makakalimutan ang gagawin ko.
"Sumusunod lang po kami Ma'am sa policy. "
"I don't care about your policy thingy! I'm here because I am the new incoming manager of Clothing Line. " mataray kong sabi dahilan para pagtinginan kami ng ibang empleyado sa loob.
BINABASA MO ANG
His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)
Novela JuvenilNapaglaruan ka na ba sa pag-ibig o mahilig kang maglaro ng damdamin ng iba ?? Ito ang huling bahagi ng kwento ng taong laro lang ang gusto. Hanggang saan sila dadalhin ng tinatawag nilang kapalaran.