Halos manlambot ang buong katawan ko. Nakaupo ako sa sahig habang tinatanggal ang suot kong heels. Kanina pa kasi ako nangangalay and to think almost 2 hours na akong nakatayo kanina dahil nagbabasakali akong may tao pang pwedeng tumulong sa amin.Nakakainis pa dahil wala man lang ginawa si Dustin para makalabas kami. Kanina pa nga ako naghehestirikal dito habang siya nakatingin lang sa akin habang nakatakip pa sa kanyang tenga.
"What we do now!? " kalmado kong tanong pero ang totoo sobra na akong naiinis. "Kasalanan mo 'to eh. " paninisi ko sa kanya.
"Hindi ko alam. " tipid niyang tugon na talaga namang nang-aasar pa sa akin.
"What!? Mag-isip ka naman! Diba matalino ka? Diba magaling ka?? Hays. " sabi ko.
"Isa pa, pag hindi ka tumikom hahalikan kita diyan. " banta niya sa akin. Ramdam ko din sa pananalita niya ang pagkairita sa akin.
Para naman akong tanga na biglang tumikom at nanahimik na lang sa sulok.
Kailangan ko ng tanggapin na bukas pa kami makakalabas dito. 8 o'clock pa lang ng gabi kaya wala na talagang tao sa loob ng company. Wala pang signal sa loob.
Maya maya pa ay tahimik na naupo din si Dustin sa lapag. Bali magkabilang dulo ang pwesto namin.
Paminsan-minsan napapasulyap ako sa kanya at ganon din siya sa akin. Ewan! Gusto kong magsalita pero naiilang ako. Baka kasi uminit na naman ang ulo ko at magkasagutan na naman kami. Alam niyo naman ako mababa lang ang pasensya ko.
"Matulog ka na muna. Alam kong pagod ka. " concern niyang sabi.
"Hindi ako paslit para utusan mo ng ganyan. And hello!? Hindi ko kayang matulog sa ganito. " pagtataray ko.
"Then you have no choice. Basta ako matutulog na ko. Goodnight. " sabi pa niya sabay pikit ng mga mata niya.
Napairap ako sa kawalan. Wala na talaga siyang pakialam sa akin.
Hays.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil ang kaba ko. Baka kasi may mangyareng hindi maganda sa akin. Paano na lang ang mga anak ko.
Napatingin ako sa pwesto ni Dustin na nakapikit. Para bang may headphone sa kanyang tenga dahil hindi man lang magawang tumingin o pakialamanan ako.
"Dustin?! " tawag ko saka naman niya idinilat ang kaliwang mata niya. "P-pwede ba tayong mag-usap?? "
I have no choice, kesa naman mapanis ang laway ko.
"Seryuso?? "
"Yap. Promise hindi ako magagalit. " sabi ko pa.
Siguro nga panahon na para magkaroon kami ng closure sa isat-isa. Para na din maging kumportable na din ang pakikitungo ko sa kanya.
Halos hindi naman siya makapaniwala sa sinabi ko. Mukha ba akong hindi kapani-paniwala.
Ano bang topic yung pwede kung sabihin sa kanya ?? Ayuko namang itanong sa kanya kung mahal niya pa ba ako!? Dahil obvious naman, na hindi na dahil engaged na nga sila ni Margaret.
"Let's have a closure para matapos na. Para hindi na tayo umasa. " dagdag ko pa.
Napatitig naman siya sa akin. Yung mga tingin niya parang sinasabing 'seryuso ba ako sa ibig ko?' Tumango naman siya bilang sang-ayon sa gusto ko saka ko iniwas ang tingin sa kanya.
Humugot ako ng malalim na hininga bago umpisahan ang madamdaming salaysalay na lalabas sa aking bibig.
"10 years ago. Ganon na katagal yung nangyare sa atin noon. I'm sorry kung hindi kita pinakinggan noon dahil sa galit na nararamdaman ko sayo. "
BINABASA MO ANG
His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)
Teen FictionNapaglaruan ka na ba sa pag-ibig o mahilig kang maglaro ng damdamin ng iba ?? Ito ang huling bahagi ng kwento ng taong laro lang ang gusto. Hanggang saan sila dadalhin ng tinatawag nilang kapalaran.