Chapter 25 : Stress is real

753 15 3
                                    

Hindi ko alam kung anong tawag sa nararamdaman ko. Lately, nagiging weird akong mag-isip. Laging si Cris ang naiisip ko. Sa pagtulog, sa pagdilat ng aking mga mata. Siya na agad ang hinahanap ko.

Ang weird lang kasing tingnan. Were just friends pero bakit ganon ako mag-isip?! Bakit!? Bakit ganito ka wirdo ang nararamdaman ko.

Hindi! Ayuko ng ganito. Mali ang mga iniisip ko.

'Kaibigan ko lang siya. Okay. " ang wika ko sa aking sarili habang nakaharap sa salamin.

Tahimik kong pinagmasdan ang itsura ko. Parang may mali. Parang may nagbago. Parang hindi na ako ang malditang nakilala ng lahat. Bakit ang amo amo ng mukha ko. Bakit ang bait-bait kong tingnan!?

Hindi bagay sa akin ang maging mabait.

Napadako ang aking tingin sa suot kong kwintas. Naalala ko na naman ang nangyare nung isang araw. Yung romantic date na inihanda ni Cris sa akin.

Hindi ko na maintindihan ang nangyayare sa aking sarili dapat siguro kailangan ko ng ibalik ang totoong ako.

Gusto ko sanang tanggalin ang kwintas na suot ko ng biglang dumating si Beki na sobrang lapad ng kanyang ngiti.

"Ms. Lala mag-uumpisa na daw yung show in 5 minutes. Be ready. Kinakabahan ka ba?? " nakangiting sabi ni Beki.

"Of course not. Sobrang excited ko nga eh. I'm sure pagpipyestahan na naman ako sa internet. " confidence kong sabi habang nakataas ang aking kilay.

"Oh ang kilay mo tumataas na naman. Hays. Bawal kang magmaldita ngayon. " sabi pa ni Beki. Parang timang.

"Alam mo, ang plastic mo. Hindi ko alam kung nagbabait-baitan ka o sadyang style mo lang yan. " sabi ko sabay irap ko.

"Grabe ang harsh ha. " sagot niya sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ang pagmamaganda ko.

Alam ko namang, marami ang manunuod sa akin. Hello si Lala kaya ako.

Matapos nun ay pinastandby na nga ako at mag-uumpisa na ang show. Gaya nga ng inaasahan ko maraming audience ang nanunuod kahit sobrang gabi na nitong palabas. I wonder na ganito pala kasikat ang Tito B na yun. Maya maya pa ay umakyat na nga si Tito B dala dala yung maliit na cue card.

"Hi Tito B. " feeling close kong sabi with matching beso pa ang lola niyo. Pero ang totoo sobra akong nandidiri sa matandang hukluban na 'to.

"Wow you are so beautiful Ms. Lala. Ngayon lang ako nakakita ng sobrang gandang kagaya mo. " sagot niya sa akin na nag-uumapaw ang mga ngiti sa kanyang labi.

"Naku hindi naman po. " pabebe kong sabi saka naupo at ganon din siya.

Si Beki naman ang mga tingin sa akin parang kakainin ako. Kinausap ako ng kinausap ni Tito B para daw maging kumportable ako kapag nakaere na ang programa niya. In fairness, live pala ang episode ngayong gabi.

To be honest, hindi ako mahilig manuod ng ganitong programa. Wala nga akong hilig sa mga ganito at wala din akong kilalang artista. Hindi ako mag-aaksaya ng kahit ilang segundo para lang makilala sila at kahit itong baklitang host na ito. Tss!

"Tito B mag-i-air na tayo. Yung camera standby niyo na. " sabi nung matabang babae na hindi ko alam kung anong posisyon niya dito.

Relax na relax naman ang Lola niyo. Nakacross legs pa ako habang nakaupo. Syempre gusto kong mapansin nila ako lalong-lalo na ang Margaret na yun.

"Magandang gabi sa inyong lahat. Welcome to Tito B show. Tonight, our guest is one of the successful designer. And the most beautiful in town. Palakpakan po natin si Ms. Lala Yo Chen. "

His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon