Chapter 31 : He

625 13 2
                                    

Kung bibigyan ako ng pagkakataon na humiling. Wala akong ibang hihilingin kong hindi ang makita si Dustin. Kahit malabo ng maging kami ulit basta ang importante ay makilala siya ng mga anak ko. Tama si Mommy darating ang panahon na mas pipiliin kong gawin ang tama. Pipiliin kong sabihin ang totoo. Ayukong habam-buhay na pagdamutan ang kambal sa kanilang nais malaman.

Gusto ko sa pagbalik ko ay masabi ko na sa kanila ang tungkol sa Daddy nila. Ang haba-haba na ng panahon na kinaila ko yun sa kanila. Siguro, panahon na para makilala nila sa Dustin. At sana lang muli ko siyang makita.

"Cheers!! " sambit ni Lorraine at nag cheers naman kaming dalawa. Actually kanina pa kami umiinom at hanggang ngayon buhay na buhay pa rin kami. Maybe its 7 o'clock in the evening pa lang naman.

"Haha. " tawanan kami sabay lagok ng alak.

Kaysarap sa pakiramdam yung ganito. Sariwang hangin. Walang problema. Walang gulo. Malayo. Sobrang layo.

Natatakot din ako na baka isang araw kapag bumalik ako ng Maynila. Puro lungkot na naman ang mararamdaman ko. Hanggat maaari ay ayukong matapos ang mga sandaling ito.

"Oh my god! 7 na pala. Nahihilo na ko. " maarteng sabi ni Lorraine which obvious naman na lasing na nga siya.

"No. Its okay. Your not drunk! Come on! Cheers! " sabi ko pa sabay lagok ko ng bote. Napatawa naman ako ng masamid siya sa pag-inom.

"I'm sorry Lala. Hindi ko na talaga kaya. " pagsuko niya habang ako tumatawa pa. Medyo nahihilo na din ako pero hindi kagaya ng sa kanya.

"Hoy Lorraine! San ka pupunta!? " sabi ko pa habang natatawa. Feeling ko ang saya saya ko kahit sa konting bagay lang.

"Uwi na ko. I'm too much drunk Lala! " sabi pa niya habang sumusuray-suray sa paglalakad.

"Are you sure kaya mo!? Hatid na kita. "

"No. Kaya ko 'to. Bye! "

Ewan ko ba. Habang nakasunod ang mga tingin ko kay Lorraine ay nakapinta sa mga labi ko ang mga ngiti ko. Sobrang saya. Nakangiti ako dahil nakakatuwa siyang tingnan. Pero nung hindi ko na maabot ng tanaw si Lorraine ay bigla na lang ako nakaramdam ng lungkot. Pakiramdam ko na naman mag-isa na naman ako.

No! Ayukong mag-isip ng ganon. Hindi ako nag-iisa!

Nilagok ko ang laman ng bote bago ako maupo sa upuan at pinagmasdan ang kalat sa ibabaw ng mesa. Yung balat ng chips na halos wala ng laman sa loob dahil ubos na. Yung baso ni Lorraine na may marka pa ng lipstick. So much fun.

Papasok na sana ako sa loob ng room ko ng biglang tumunog yung phone ko. Medyo blurred na rin ang paningin ko dahil siguro nahihilo na ako kaya agad ko itong sinagot ng hindi ko man lang nalalaman kong sino ang tumatawag.

"Lala. "

"Cris?? "

"Thanks god at sinagot mo. Sobra na kong nag-alala sayo. Are you okay now?? Where are you?? " sunod-sunod niyang tanong sa akin.

Weird! Wala man lang akong maramdamang pagkamiss kay Criss. Hindi man lang ako natuwa ng marinig ko ang boses niya. Parang wala lang. Bakit ganon??

"I'm okay Cris. Don't worry about me. Kaya kong alagaan ang sarili ko. Nasa maayos naman ako. " sabi ko pa. Alam ko sobra-sobra na naman ang pag-aalala ni Cris sa akin.

"Lala, I know gusto mo mapag-isa ngayon. Gusto kitang puntahan ngayon para damayan ka. Alam ko ang pakiramdam na nag-iisa. Sabihin mo sa akin kung nasaan ka at pupuntahan kita. "

His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon