Ako ba talaga ang may kasalanan ng lahat?? Ako ba ang dapat sisihin sa lahat ng nangyayare ngayon?? Kasalanan ko ba kung mas pinili kong ilayo ang mga anak ko sa kanya??
Wala akong ibang hinangad kundi ang mapabuti at mabigyan ng magandang buhay ang aking mga anak. Naging matatag ako kahit ako lang mag-isa. Pero kahit anong tatag ko basta tungkol sa ama ng mga kambal ay nagiging marupok ako.
Paano ko tutuparin ang mga pangako ko sa kanila gayong hindi na mabubuo pa ang aming pamilya. Paano ko ipapaliwanag ang lahat?
Marahil ito ang bunga ng pagiging maldita ko. Sana ganon lang kadali na mabuo ulit kami. Makasama ko ulit siya for the last time kaso wala ng chance kasi yung mga panahong may chance pa ay naging matigas ako. Pinaramdam ko na hindi ko siya kailangan.
*** Flashback ***
"Akala ko hindi na kita ulit makikita. " pagbasag niya ng katahimikan ng pumasok kami sa loob ng elevator.
Aaminin ko, sobrang lakas ng tibok ng aking puso. Gusto nitong sumigaw kaya lang hindi ko kaya.
"Please Dustin! Ayuko ng pag-usapan pa kong ano mang meron tayo dati. " sabi ko pa kahit ang totoo sobra akong natutuwa.
"Hindi ko alam kong paano mo ko mapapatawad. Lala----- " tumingin ako sa kanya habang nakataas ang aking kilay. "Anong gusto mong gawin ko para lang magtiwala ka lang ulit sa akin. " puno ng pagsusumamo niyang sabi.
"Lubayan mo na ako Dustin baka sakaling mapatawad pa kita ----- " nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. Hindi ako makagalaw dahil sa sobrang lakas ng kabog sa aking dibdib.
"Alam kong ako pa rin ang tinitibok ng puso mo. "
"Dustin! " itinulak ko siya dahilan para kumalas siya sa akin. Mas lalo lang akong nagalit sa ginawa niya. Okay na eh. Tanggap ko na. Pero bakit ganon!
"10 years Dustin na walang ikaw! Kakayanin ko kahit wala ka. " galit kong sabi. Ramdam ko ang panginginig ng aking boses. Parang ang sakit kasi.
BINABASA MO ANG
His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)
Teen FictionNapaglaruan ka na ba sa pag-ibig o mahilig kang maglaro ng damdamin ng iba ?? Ito ang huling bahagi ng kwento ng taong laro lang ang gusto. Hanggang saan sila dadalhin ng tinatawag nilang kapalaran.