Ano ba talaga ang dapat kung gawin!?
Hindi ko na kasi maintindihan. Gusto kong maging mabait sa kanila pero nagmumukha lang akong tanga. Nakatatak na nga siguro sa kanilang isipan kung ano ako. Na isa akong masamang nilalang na walang tatanggap sa pagkatao ko.
Hindi ba nila naisip na may pakiramdam din ako, na may puso din ako. Nasasaktan.
May dahilan kung bakit naging maldita ako at alam niyo yan. Minsan sa buhay ko ay naging mahina din ako. Naging ganito lang ako dahil gusto kung ipagtanggol ang sarili ko.
Hays.
Mabilis kung pinunas ang mga luha ko na nagbabadyang bumagsak sa aking mukha. Hindi ako dapat umiiyak! Hindi!
Tiningnan ko ng matalim ang aking sarili. Itinaas ko din ang kilay ko.
Hindi ko kailangang baguhin ang sarili ko upang matanggap nila ako. At isa pa, wala akong pakialam sa kanila.
Dahan-dahan akong bumaba ng sasakyan at deretsong naglakad papasok sa loob ng company. Nakataas ang aking mga kilay habang naglalakad. Hindi rin ako nagtatapon ng tingin sa bawat empleyadong nakakasalubong ko.
Hindi porket naging mabait ako kahapon ay aabusohin na nila. Makikita nila.
Napadaan ako sa lobby kung saan nagkukumpulan ang ilang empleyado na parang may tinitingnan na kung ano.
Napataas ako ng tingin upang makita ang bagay na pinagkakaguluhan nila. Bigla naman silang natahimik ng mapansin ako nung isang empleyado at parang zipper na biglang nahiwa sa gitna para makita ko ang nilalang na pinagkakaguluhan nila.
She looks familiar.
"Do you know her!? " tanong ko.
Umiling naman siya na parang umikli ang kanyang dila dahil hindi na niya magawang magsalita. Inirapan ko na lang siya sabay balik ko ng tingin sa nilalang na agaw atensyon ang suot.
TSS! Plano pa yatang palitan ako sa pagiging maganda.
"All of you! Go back to your work now. " mataray kung sabi habang nakatingin pa rin sa nilalang na yun.
Kilala ko na kung sino ang babaeng yun.
Itinaas ko ang aking kilay bago ako humakbang patungo sa kanyang kinaroroonan.
"What the hell are you doing here!? " agad naman siyang napatingin sa akin at hindi man lang nasindak sa mga titig ko. "Wala naman akong matandaan na meron kang appointment sa akin unless------- "
"I'm sorry Ms. Loser! Hindi naman ikaw ang sinadya ko rito. In fact, I'm looking for my babe. Did you see him!? " pagtataray niya sa akin.
Ngumiti naman ako ng malapad at ganon din siya sa akin. Talagang nakikipagsabayan siya sa akin.
"I'm sorry Ms. Shrimp! Mukhang mali ka ng pinasukan. " pang-aasar ko.
BINABASA MO ANG
His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)
Ficção AdolescenteNapaglaruan ka na ba sa pag-ibig o mahilig kang maglaro ng damdamin ng iba ?? Ito ang huling bahagi ng kwento ng taong laro lang ang gusto. Hanggang saan sila dadalhin ng tinatawag nilang kapalaran.