•Lala's POV•
“Lala. ” tawag niya sa akin. Dahan dahan kong inangat ang aking mukha at kasunod nun ang paglakas ng tibok ng aking puso.
“D-Dustin?” gulat kong sabi at nagpalipat-lipat ang aking tingin kila Mommy at Ate. Bakas din sa mga mukha nila ang labis na pagtataka.
Nagulat na lang ako sa sumunod na nangyare. Bigla siyang lumapit sa akin at mahigpit na niyakap ako.
“I'm sorry. I'm sorry Lala.” saad niya habang yakap yakap ako.
“D-Dustin teka lang.” ang mahina kong sabi.
“Mr. Gohil anong ibig sabihin nito.” nagtatakang tanong ni Mommy.
Kumalas si Dustin sa pag akap sa akin.
“Tita. I'm very sorry. Sanay patawarin niyo po ako sa aking kasalanan. ” saad ni Dustin kay Mommy.
“Dustin, hindi ko maintindihan. ”
“Mommy. ” Napatingin ako kay Ate at ganon din siya. Kumukuha ng tiyempo kong sasabihin ba niya o hindi. “Si Dustin po ang ama nila Demi at Demo. ”
“Huh?? Y-you mean--- ” hindi makapaniwalang sabi ni Mommy.
“Yes Mommy. Si Dustin po. ” tugon ko. “Saka ko na lamang po ipapaliwanag kapag okay na po ang lahat. ”
Muli kong ibinaling ang aking tingin kay Dustin. Walang pagsidlan ang tuwa at saya na nararamdaman ko ngayon. Nawala lahat ng poot at galit sa aking katawan. Napayakap ako kay Dustin. Sobrang higpit ng aking yakap.
“Ibinalik ka niya sa amin. I'm sorry Dustin. ”
“I'm sorry too Lala. ”
Kumalas ako sa pagyakap sa kanya. Tinitigan ko ng maigi ang suot niyang kasuotan.
“Paano si Margaret?? ”
“Hindi na tuloy ang kasal Lala. Pinalaya na ako ni Margaret. ”
Ngayon ko lang nakita ang maaliwalas na mga ngiti ni Dustin. Sobrang saya sa pakiramdam na nandito na siya para damayan ako. Para tulungan ako.
***
Binigyan kami ng pagkakataon nila Mommy at Ate na makapag-usap kaya minabuti nilang pumunta sa ER para maghintay ng resulta.
“Lala alam ko marami akong pagkukulang sa mga anak ko. Gusto kong bumawi sa kanila. Gusto kong malaman nila kong gaano ko sila kamahal. Hindi na kita iiwan ulit Lala. ” ang emosyonal niyang sabi sa akin.
“Ganon din ako Dustin. Marami man tayong pinagdaanang hirap. Marami man tayong sinayang na panahon pero sa pagkakataon na ito gusto kong iparamdam sa iyo kong gaano kita kamahal. ” ang mangiyak ngiyak ko pang sabi.
“Babawi ako sayo Lala. ” tugon niya at niyakap ako.
Tuluyan na ngang bumagsak ang aking luha. Sobrang emosyonal ko to the point na humagulhol na ako ng iyak. Sa panahong ito ay ayuko ng magalit. Tama na ang nakaraan sa amin. Pareho na kaming natuto.
Sa aming pag-uusap ni Dustin ay muli kong natanong kong ano ang nangyare sa kasal nila. Pinaliwanag niya sa akin na hindi natuloy ang kasal dahil di sumipot si Margaret bagkos isang liham ang dumating. Pinabasa niya iyon sa akin dahilan para maiyak pa ako lalo.
Alam ko kung gaano kamahal ni Margaret si Dustin pero nagawa niyang palayain ito. Maraming salamat Margaret at hindi mo nilayo sa akin si Dustin. Hiling ko na makita mo rin ang taong nakalaan para sayo.
Pagpapatawad at pagtanggap ng pagkakamali sa kung ano man ang nagawa mo. Yung ang mahalaga. Para sa ikabubuti ng lahat.
Pinatawad ko na si Dustin at ganon din siya sa akin. Walang hatred habang binabalikan namin ang nakaraan. Walang panunumbat kundi pagtanggap sa mga pagkakamali. Sabi nga nila walang perpektong tao sa mundo lahat tayo nagkakamali.
BINABASA MO ANG
His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)
Teen FictionNapaglaruan ka na ba sa pag-ibig o mahilig kang maglaro ng damdamin ng iba ?? Ito ang huling bahagi ng kwento ng taong laro lang ang gusto. Hanggang saan sila dadalhin ng tinatawag nilang kapalaran.