Epilogue

1K 28 1
                                    

It's a bouncing baby boy ang ipinangak ko. Sobrang thank you ako dahil healthy ang aking isinilang. Pinangalan namin itong Drake Eistien Gohil. Tuwang tuwa naman ang kambal ng makita nila ang kanilang kapatid. Kakaibang ngiti ang sumilay sa kanila. Maging si Dustin, halos ayaw ng humiwalay kay Drake. Alam ko naman na sobrang proud niya bilang isang ama at hindi iyon maikakaila.

Nasabi niya pa nga sa akin one time, may dahilan na raw para sipagin siya sa pagtatrabaho. Tinawanan ko na lang siya. Medyo hawig sa kanya ang mukha ng aming anak. Napakagwapo kagaya ni Demo.

Madadagdagan na naman kami ng isang batang masayahin sa mansyon.

Sa buhay kahit ilang beses kamang bumagsak, mabigo. Matuto kang lumaban para sa pangarap mo, sa pamilya. Lahat naman dumaranas ng kalungkotan at pighati at kasawian. Ang importante ay kung paano ka lumaban.

Dalawang buwan ang lumipas simula ng maipanganak ko ang aking anak na si Drake. Naging plain housewife ako sa aking mga anak. Plano na din namin ni Dustin na magpatayo ng bahay para sa aming pamilya. Natutuwa ako dahil may matatawag na kong pamilya. Sabay kaming nangangarap at nagpaplano para sa future nila. Si Demi pinayagan na ng doctor na pwede na siyang mag school sa labas at hindi sa bahay. Si Demo naman consistent honor student. Mana sa kanyang ama.

Ilang taon pa panigurado ako mas matangkad pa sila sa amin ng Dad nila. Gagandang lahi eh.

Huminga ako ng malalim at ibinaling ang tingin sa librong nasa left side ng upuan ng sasakyan. Oo. Nagmamaneho na ulit ako.

May gusto lang akong puntahan ngayon.

Tinitigan ko ng maigi ang libro. Libro na may pamagat na Tips to on how to be Maldita.

Dito nag-umpisa ang lahat. Sa librong 'to ay malaki ang nagawa para baguhin ko ang aking sarili. Para maging isang ganap na maldita.

Bigla ko tuloy naalala kung paano napunta sa akin ang librong ito.



*** F L A S H B A C K

Ilang taon na ang lumipas ng mag cross ang landas namin at hanggang ngayon ay tandang tanda ko pa din ang araw na iyon.

Naglalakad ako noon sa may hallway habang nakayuko dahil sa kabi-kabilang lait sa akin. Nerd daw ako dahil sa suot kung malaking salamin. Walang alam sa fashion dahil sa pang manang kung suot. Idagdag ko pa ang pagiging mahiyain ko sa lahat. Takot nga akong makipagkaibigan eh. Bully ako nung nag-aaral pa ako. Until one day, nadapa ako sa hallway dahilan para pagtawanan ako ng mga estudyanteng nakapaligid sa akin.

"Haha ang tanga!! "

"Lampa!! "

Ilan lang iyan sa mga narinig ko. Yung iba naman inirapan lang ako na parang gusto nilang iparating sa akin na deserve ko ang madapa.

Dahan-dahan akong tumayo at pinulot ang mga libro na nabitawan ko at mabilis na naglakad pero hinarang ako ng isang grupo ng kababaihan. Tatlo sila actually.

Sobrang takot na takot ako at hindi alam ang gagawin. Wala akong tiwala sa aking sarili. Wala din akong tapang para sagut-sagutin sila. Napakaduwag kong tao na siyang dahilan para laitin at apihin nila ako.

Napakahina ko. Tinatanggap ko at inaabsorb lang ang lahat ng masasakit na salitang binibitawan nila sa akin. Gusto kong umiyak ng panahon na iyon pero alam kong hindi pa rin sila titigil.

Ang mga malulutong nilang tawanan na sobrang nakakasakit sa loob ko. Para akong walang kwenta sa mundong ito. Wala silang awa.

Hanggang sa dumating siya. Ang taong kaisa-isang naglakas ng loob na tulungan ako.

His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon