Chapter 5 : The Throne is Mine

936 29 3
                                    

"Rule number one, kailangan bawal ang late. 30 minutes bago ang calltime ay dapat nasa company na. Rule number two, loitering is not allowed. Focus on our target quota for the month. "

"Copy! "

Ganito lang naman ang eksina namin ni Beki. Naglalakad kami sa hallway na para bang may hinahabol sabay dictate ko sa kanya ng mga company rules na ginawa ko. Panay take down naman siya na parang asong ulol! TSS!

Ako naman, talagang pinahirapan ko siya. Actually may copy naman ako sa bag na pwede kong ibigay sa kanya. Kaya lang naisipan kong pahirapan si Beki. Para naman makaganti ako sa ginawa niya sa akin.

Akala niya, nakalimutan ko na yun! Neknek niya!

"Okay na po ba ?? " tanong niya matapos ang mahabang pagsasalita ko ng mga rules ko.

Tiningnan ko siya ng malalim sabay taas ng aking kilay.

"Bakit may idadagdag ka pa ?? " pagtataray ko at agad naman siyang tumikom. Remember my rule ??

Hindi siya pwedeng magsalita unless kakausapin ko.

"Bukas na bukas ay magkakaroon tayo ng malawakang pagpupulong. Gusto kong ipabatid mo sa lahat ng mga empleyado ang nais ko. " sabi ko.

Muntik pang dumugo ang ilong ko dahil sa mga words na ginamit ko.

"Masusunod Ms. Lala. " sagot niya sa akin.

Inirapan ko naman siya at deretsong naglakad papasok sa loob ng elevator at sumunod naman siya.

Nasabi ko na ba ?? Na ako na ang manager ng Clothing Line ??

The throne is mine. Kaya malaya ko ng maisakatuparan ang mga plano ko. Whahaha.

Tawa ng isang mabagsik na kuntrabida.

Pinindot naman agad ni Beki ang button sa gilid ng elevator. Pero bago pa mang tuluyang magsara ang pinto ay nakita ko ang isang nilalang na ayuko ng makita.

'Anong ginagawa niya dito ?? ' Hindi ko maiwasang itanong sa aking isipan.

Pero bakit ganon ?? Sobrang ang lakas ng tibok ng aking puso ng makita ko siya.

Siya nga yun.

Hindi tuloy ako makapag-isip ng maayos.

Hays.

Namamalikmata lang siguro ako. Tama! Hindi si Dustin ang nakita ko!

And beside, ano namang gagawin niya sa clothing line ??

"Are you okay ?? " tanong ni Beki na parang concern sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay saka tiningnan ng masama.

His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon