Naalimpungatan ako dahil sa ingay ng kung anong ewan.
Dahan dahan kong idinilat ang aking mga mata saka ko lang napagtanto na nag-aanounce yung operator ng eroplano na nasa Pilipinas na kami.
Iginala ko ang aking tingin sa labas ng bintana kung saan tanaw ang napakalaking open space.
Ewan, pero bigla na lang akong kinabahan.
Parang gusto ko na lang yatang bumalik ngayon sa Paris. Natatakot kasi ako kung anong mangyayare sa akin sa muli kung pagbabalik sa bansa.
Alam niyo naman, mahaba ang pasensya ko at kung ano pa ang magawa ko sa mga masasampulan ko.
Sana naman wala na akong tangang maencounter dahil baka masampulan ko lang sila ng katakot-takot na lait.
Natapos ding magsalita yung operator na wala naman akong maintindihan dahil nakadungaw ako sa labas.
Nahihilo pa nga ako dahil siguro sa jet lag.
Hays.
Masisira pa yata ang beauty ko.
"Hi Ma'am welcome to the Philippines. " nakangiting bati ng steward sa akin.
Ngumiti na lang ako ng pilit saka siya inirapan at tumindig ng napakaseksi.
Kailangan hindi malamangan ang beauty ko.
Ayukong magmaldita lalo na at nasa Pilipinas na ako.
Pahakbang na sana ako ng makaramdam ako ng panghihilo kaya dali-dali naman akong inalalayan ng babaeng steward pero pinigilan ko siya.
"I'm okay. " pagmamaganda ko with hand gestures pa.
"Sigurado ho kayo Ma'am ?? " alalang sabi ng steward.
Iniangat ko ang tingin sa kanya. Gusto ko sanang magmaldita at sampulan ang babaeng 'to pero nakita ko sa mukha niya ang sobrang concern sa akin kaya pinigilan ko na lang ang aking sarili.
Natuwa naman ako sa aking isipan dahil magandang senyales ito na wala ng tanga sa Pilipinas.
"Yah. " tipid kong sagot saka nag-umpisang maglakad palabas ng eroplano.
Pagbaba ko pa lang ng eroplano mainit na hangin agad ang sumalubong sa akin at ang nakakapasong init ng araw.
"TSS! Masyado pa ring mainit dito! " sambit ko sa aking isipan saka inirapan ang nakakainis na klima na bumabalot sa buong lugar.
Derederetso na akong naglakad papasok ng airport.
Hindi ko maikakaila ang kabang nararamdaman ko.
Hays.
Napataas na lang ako ng aking kilay ng mapansin kong maraming napapasunod ng tingin sa akin particularly mga lalake.
Hindi na ko nasanay. Hindi pa rin talaga kumukupas ang aking karisma.
Thanks God dahil sinalo ko lahat ng kagandahan nung nagsaboy ka sa mundo ng mga tao.
Mas lalo ko pang ginandahan ang aking paglalakad. Wala akong pakialam kong lumuwa ang mga mata nila sa kakatingin sa akin.
TSS!
Nagiging maldita na naman ako dahil sa mga naiisip ko.
Napatigil ako sa aking paglalakad ng bumalik sa aking gunita ang nangyare noon sa airport na 'to.
BINABASA MO ANG
His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)
Novela JuvenilNapaglaruan ka na ba sa pag-ibig o mahilig kang maglaro ng damdamin ng iba ?? Ito ang huling bahagi ng kwento ng taong laro lang ang gusto. Hanggang saan sila dadalhin ng tinatawag nilang kapalaran.