Naalimpungatan ako dahil sa ingay ng alarm clock na nasa gilid ng bed ko.Walang kaabog-abog na inihagis ko ito sa kung saan mang parte ng kwarto ko basta ang narinig ko na lang ay ang malakas na impact ng bumagsak ito.
Istorbo!
Sobrang pagod na pagod ako at tinatamad pa akong bumangon.
Muli kong ipinikit ang mga mata ko saka ninamnam ang katahimikan na namamayani sa loob ng kwarto ko.
Gusto ko lang matulog ng matulog ngayon.
Niyakap ko na lang ang unan na nasa kanan ko at tuluyan na nga akong nilamon ng antok ko.
Ding !! Dong !!
Muli akong naalimpungatan dahil sa sunod sunod na tunog ng bell na nagdudulot ng pagkairita ko.
Gusto ko nga sanang kumuha ng kutsilyo sa kitchen at saksakin ang sinumang nilalang na lapastanganin ang pagtulog ko.
Napakunot na lang ako ng aking noo dahil sa nakakairita at sobrang sakit sa tenga ng sunod sunod na pagdodoorbell niya.
Humanda siya sa akin!
Sa huli ay nagawa ko na ring bumangon kahit na alam kong antok na antok na ako.
Kinuha ko yung ponytail na nasa ibabaw ng mesa katabi ng lampshade saka ko ito itinali sa buhok ko.
Dapat maganda ako. Hashtag woke up like this!
'Anong oras na ba ?? ' tanong ko sa aking isipan saka hinanap ang alarm clock sa ibabaw ng mesa pero wala na ito dun.
Nanlaki naman ang mga mata ko at halos lumuwa ito sa sobrang pagkagulat ko.
Oh! No!
Ibinato ko nga pala ang alarm clock kanina.
Napailing na lang ako sabay sambit sa aking isipan ng katagang "kawawang alarm clock, hindi naging maganda ang kinahantungan niya. "
Hays. Kaaga-aga nagiging kuntrabida na naman ako.
Sobrang sakit pa rin sa tenga ang ginagawang ingay ng bell na siyang nagpairita ng umaga ko.
Sino naman kaya ang nilalang na yun.
Huminga ako ng malalim saka ko kinuha ang robe na nakasabit sa gilid saka isinuot ito.
Mabigat ang mga paa kong humakbang palabas ng kwarto ko at agad na tinungo ang main door ng unit ko.
Napapakamot pa nga ako eh.
Naiirita na ako sa aking isipan dahil sa paglapastangan sa akin ng sinuman ang nasa labas. Makikita niya at masasampulan ko talaga siya ng katakot-takot na lait.
Walang buhay kong binuksan ang pinto at hindi na ako nag-atubiling hindi mag maldita.
"Wala bang --------- " pero hindi ko natapos ang pagmamaldita ko dahil sa bisitang nasa labas ng unit ko.
"Mommy ?? " halos hindi makapaniwalang sabi ko.
"Yes its me. Ano at tila ba masama ang gising ng anak ko ?? " malambing na sabi niya habang may mga ngiti sa kanyang labi.
BINABASA MO ANG
His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)
Teen FictionNapaglaruan ka na ba sa pag-ibig o mahilig kang maglaro ng damdamin ng iba ?? Ito ang huling bahagi ng kwento ng taong laro lang ang gusto. Hanggang saan sila dadalhin ng tinatawag nilang kapalaran.