"I have my reason kung bakit ko tinanggal si Mrs. Yu. In fact, dapat nga magpasalamat ka pa sa akin dahil sa ginawa ko. " iritang sabi ko kay Dustin.
Nakakabwesit kasi! Pinakikialamanan na naman kasi ako. Kung bakit ko daw pinutol yung transaction kay Mrs. Yu. At ang malupit pa, hindi raw ako nag-iisip.
"Lala, si Mrs. Yu, ang isa sa mga asset ng kumpanya. Saan ka ngayon kukuha ng supplier?? Ang hirap sayo masyado kang nagmamagaling! Masyadong feeling maraming alam. " sermon niya sa akin.
Napairap naman ako dahil sa nakakairitang boses niya. At ang lakas ng loob na pagsabihan ako. Napaismid na lang ako ng tingin sa kanya.
"I know what I'm doing Mr. Gohil. Kung pagsasabihan mo lang din naman ako at pakikialamanan ang lahat ng gagawin ko. You better LEAVE. " mataray kung sabi sa kanya.
Halos mapanganga na lang siya dahil sa sinabi ko. Alam kung nauubos na din ang kanyang pasensya sa akin. Suko na ba!?
"Come on! You know, I'm here to help you, to train you. "
"Well, I don't need your help anymore. I don't need your time to train me on how to manage this business. You know what Mr. Gohil, you just wasting your time! Dahil kung tutuusin mas marami pa akong alam kaysa sayo. " puno ng pang-iinsulto kong sabi habang nakataas ang aking kilay.
Napahugot naman siya ng malalim na hininga.
"Ginagantihan mo ba ako!? " inis niyang tugon.
Napangiti naman ako ng malapad.
"At bakit ko naman gagawin yun?? " tinitigan ko siya ng malalim. "I'm totally move on Dustin. "
"Talaga lang ha!? Come on Lala, the way you act! Its obvious na hindi ka pa totally nakamoveon. " pang-iinis niya sa akin.
BINABASA MO ANG
His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)
Novela JuvenilNapaglaruan ka na ba sa pag-ibig o mahilig kang maglaro ng damdamin ng iba ?? Ito ang huling bahagi ng kwento ng taong laro lang ang gusto. Hanggang saan sila dadalhin ng tinatawag nilang kapalaran.